Banner Before Header

Iba-ban ang Facebook? ‘Fake news’ ‘yan!

0 406
DAHIL daw sa nanggagaling sa magkaibang partido ang sana ay magkatuwang na pangulo at pangalawang pangulo, may nagmumungkahi na gayahin natin ang estilong Amerikano sa pagboto ng Presidente at Bise-Presidente.

Sa United States (US), awtomatiko na pag ibinoto ang pangulo, kasama na ring ibinoto ang katiket na pangalawang pangulo.

At sa US, awtomatiko, ang Vice President ang nauupong Senate President, kaya matatag ang liderato ng Senado na walang ugaan at pagpapalit-palit ng pangulo.

Sa US, magkatugon, magkasama at nagkakaisa ang presidente at ang VP sa pagtataguyod ng kanilang plataporma de gobyerno.

Hindi tulad dito sa atin, kung magkaibang partido galing ang pangulo at pangalawang pangulo, madalas kaysa hindi, magkakontra sila at ang apektado ay kapakanan at interes ng sambayanang Pilipino.

Ano, tularan na ba natin ang Ameican style ng pagboto sa presidente at VP?

***

Mali, hindi totoo na iba-ban ang Facebook – na 57 accounts, 31 pages, at mahigit sa 20 Instagram page ang binura. Ayon sa Rappler, na isa sa ‘factchecker ng FB, lumabag sa kanyang community standards at bukod sa pagiging ‘fake accounts’, nagpapakalat pa ng ‘fake news.’

Ang birada kasi ng mga ‘Angry Yellow Birds,’ desidido si Presidente Rodrigo Roa Duterte na ipagbawal na ang FB, na sabi ni Preidential Spox Secretary Harry Roque ay isang “fake news.”

Walang ganoong sinabi ang Pangulo na totoong “nabahala,” (sorry, VP Leni, pahiram muna ng inyong patented na “nakakabahala” sa iyong mga speech at mensahe) sa pag-aalis ng mga accounts ng AFP at ng PNP at ng kanyang mga supporters.

Ang sinabi ng ng Presidente, pinayagan niyang mag-operate ang FB sa Pilipinas sa pagtitiwalang matutulungan siya at tutulong na maipalaganap ang adbokasiya ng gobyerno.

E, kung hindi naman tutulong, ano pa ang silbi ng FB? Pero wala siyang sinabi na iba-ban niya ito.

Sabi niya, “hindi ko alam ang gagawin ko, pero mag-usap tayo.”

***

Ang isinasama ng loob ng Pangulo, ang factchecker ng FB sa Pinas, mga aminadong anti-Duterte, sina convicted Maria Ressa, Ellen Tordesillas ng Vera Files at si Clare Cattleya de Guzman Amador, head of public policy ng FB Philippines na dating tauhan ni PNoy at Mar Roxas.

Bakit daw ang FB accounts at pages ng CPP at ng NPA na lantarang nag-aadvocate ng pagpapatalsik sa gobyerno ay hindi tinanggaL ng FB, at nanatiling nakaposte ang accounts ng mga ‘Yellow Angry Birds’ at ang accounts ng mga grupong lantaran at kilalang tagasuporta ng Communist Party of the Philippines.

Yung account ng mga nanay ng mga kabataang nahikayat ng partido ng Makabayan Bloc na umakyat sa bundok ay tinanggal din.

Sabi ng Hands Off Our Children, kakampi ba ng FB ang mga rebelde at pati ang account nila ay sinibak?

Sinusulat ito, nagsabi ang FB PH na makikipag-dialogue sila sa Pangulo.

***

Bastusan na yata ang labanan, dear readers, o wala talagang takot ang mga taga-Globe at PLDT Smart?

Magbubukas na sa Oktubre 5 ang mga klase, pero kasingbagal ng kilos ni Duque ang internet connection natin!

Ayaw natin na mangyari ito, pero may peligro na pumalpak ang online learning ng mga bata, kasi paano makakaasa ng matinong connectivity kung hanggang ngayon, puro dahilan, puro pangako lang ang kayang tuparin ng dalawang giant telcos.

Mas inuuna nila ang magreklamo na kesyo problema ang pagtatayo ng tower; kesyo bakit daw nagtatayo ang kompanyang Dito telecom ng mga tower sa military camps?

Pinasasabog ng New People’s Army (NPA) ang mga tower ng Smart at Globe kapag hindi nagbigay ng ‘protection money’.

Mas ligtas ang tower sa loob ng kampo militar, tama po ba?

Kesyo, gagamitin daw sa espionage ang mga tower ng Dito; naman, naman, e ang US ba, hindi nag-eespiya sa atin?

***

Kung balak ni PRRD na buwagin na ang “FailHealth,” isabay na rin niya ang pagbalasa sa Immigration, Land Transportation Office, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, Land Registration Authority, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at sa iba pang ahensiya na talamak ang korapsiyon.

Utusan niya na magbitiw ang mga hepe at mga nasasangkot na opisyal sa korapsyon at kung hindi mag-resign, utusan niya si Justice Secretary Menardo Guevarra at ang National Bureau of Investigation na magsampa ng mga kaso.

At ipamadali ang pagbabalik ng death penalty, tingnan natin kung hindi sila biglang tumino sa takot na ma-lethal injection.

(Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang po sa bampurisima@yahoo.com.)

Leave A Reply