Banner Before Header

Hindi nagpapabaya ang BoC sa paglaban sa smuggling

0 165
WALANG tigil ang banat ni Pangulong Rody Duterte sa mga opisinang patuloy ang mga katiwalian at korapsyon.

Paanong hindi magagalit si PDU30 eh, meron na lang siyang dalawampung buwan para ipakulong ang mga magnanakaw sa gobyerno.

Ang huling binanatan ni PRRD ay ang Department of Public Works and Highways.

Kamakailan ay binira din niya ang Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal Revenue.

Ang BoC at BIR ang dalawang pinakamalaking kolektor ng buwis sa bansa.

Ang maganda lang, naniniwala pa rin si Duterte sa kakayahan ng mga namumuno sa mga opisinang kanyang binanatan.

Ang ibig sabihin nito ay panahon na para umaksyon ang mga namumuno sa mga opisinang ito laban sa kanilang mga tarantadong tauhan.

Kaya tama si Pang. Duterte na paalalahanan ang pamunuan ng mga nabanggit na ahensiya

Hindi dapat kunsintihin ang mga maling ginagawa ng kanilang mga opisyal at tauhan.

Baka madamay pa sila sa mga katarantaduhan ng mga tao nila.

***

Sa kasaysayan, maraming namamatay, napapahamak at naloloko dahil sa maling akala.

Ganyan ang nangyayari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang pangunahing paliparan ng bansa.

Ang akala siguro ng mga ismagler ay hindi mapapansin ng mga taga-Bureau of Customs (BoC) ang kanilang mga parating na kontrabando.

Dahil nga naman nandiyan pa ang nakatatakot na Covid-19 pandemic.

Ang hindi alam ng mga ismagler, meron o walang pandemya, palaging naka-focus sa trabaho ang mga tauhan ni BoC-NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan.

Kaya nga hindi na tayo nagtataka kung bakit laging nahuhuli ang mga tangkang pagpupuslit ng kontrabando sa NAIA.

Noon lang Sabado ay nakasakote ang mga taga-CIIS at ESS ng BoC-NAIA ng mga baril, gun parts at accessories sa Central Mail Exchange Center (CMEX) sa Pasay city.

Nagkakahalaga ng P1.5 milyon, ang mga armas at gun parts ay nakalagay sa dalamamput-walong parcels.

Ang mga pakete ay ipinasok  sa bansa na walang import permit mula PNP-FEO.

Ang mga kontrabando ay isasalin sa pangangalaga ng PNP-FEO at ang pagtutuloy ng imbestigasyon sa insidente.

***

Matitigas talaga ang ulo ng mga nagpaparating ng ukay-ukay sa bansa.

Alam naman nilang bawal ang pag-angkat ng ukay-ukay pero tuloy pa rin sila sa iligal na negosyo.

Nito lang nakaraang Biyernes ay timbog sa Port of Cagayan de Oro (CDO) ang mga ukay-ukay na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Ang mga kontrabando ay nabisto ng mga taga-CIIS, ESS at Assessment division ng Port of CDO sa ilalim naman ni district collector John Simon.

Naka-consigned sa Humility Trading, ang shipment ay dumating sa Mindanao Container Terminal noong Oktubre 13.

Galing ng South Korea, ang kargamento ay deklaradong naglalaman ng ‘blankets, pillowcases’ at mga laruan.

Kaagad namang nag-isyu ng alert order laban sa shipment si Collector John Simon.

Ang importasyon ng ukay-ukay ay ipinagbabawal ng Republic Act 4653 o “An act to safeguard the health of the people.”

Sinabi ni Simon na ang Port of CDO ay committed para protektahan ang mga border ng bansa aa utos ni BoC Chief Rey Leonardo “Jagger” Guerrero.

***

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply