Banner Before Header

Hontiveros, ‘maluwag’ ang “turnilyo?”

0 311
SI SEN. Riza Hontiveros ay nagpapakita na ng mga palatandaan ng pagkawala sa tamang katinuan.

Mga sintomas ng pagkahibang at mga paulit-ulit na pagsasabi ng  mga bagay na hindi naman nakikita sa reyalidad na sa kasamaang-palad ay nailathala at nailabas sa media.

Sa naging pagdinig ng Senado noong Nobyembre 3 sa isyu ng “red-tagging,” sinabi ni Hontiveros na huwag mag-aksaya ng panahon at pera ang mga ahensya na tumutugis sa mga indibidwal na tinagurian niyang “communist bogeyman.”

Para sa kanya mas may pagbabanta sa seguridad ng Pilipinas ang pagpasok ng isang banyagang bansa. Ang tanong niya – ano ang mas may panganib, ang humihinang rebelyon o ang panlabas na banta mula sa isang malakas na bansa?

Sa tanong ni Hontiveros sa “red tagging” na kung ano ang mas panganib sa seguridad ng bansa kung saan tinutukoy niya ang Tsina  bilang banyagang banta sa ating seguridad, dito nagkulang na naman ang kapasidad ng pag-iisip ni “Sisa.”

Matatag ang relasyong Pilipinas at Tsina at ito ay lalo pang gumaganda sa paglipas ng may isang milenya na.

Napakatagal na ang pinagsamahan ng Pilipinas-Tsina sa loob ng ilang daang taon sa pakikipagkalakalan at komersyo.

Sa panahon bago pa nagkaroon ng nasusulat na kasaysayan, may mga patunay na ang samahan ng Pilipinas at Tsina katulad ng ginawang paglalakbay ng Sultan ng Sulu na si Paduka Batara sa Tsina sa panahon ni Chinese Emperor Yongle.

Sa kasalukuyang panahon ni Pang. Duterte, napakarami na ang naitulong ng China sa imprastraktura at gayon din sa mga “investment loans” sa loob lamang ng 3 taon.

Hindi katulad ng relasyon natin sa US na puno ng kasinungalingan at panggogoyo sa atin na tila mas gusto ng mga Dilawan.

At marahil, napahiya ng husto si Sen. Sisa nang ipunto sa kanya ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, na hindi itinuturing ng gobyerno na “kalaban” ang China at sa katunayan, napakaganda ng relasyon natin dito.

Ang tunay na banta sa ating seguridad, ayon pa sa kalihim, ay ang armadong pagtatangka ng CPP-NPA-NDFP na maibagsak ang ating gobyerno.

***

Sa pagdinig sa Senado hinggil sa Philippine Retirement Authority (PRA), palpak ang datos na may 4 na milyong Tsino ang dumating sa Pilipinas mula 2017 hanggang 2019 na ang pakay ay “sakupin” tayo.

Sa paglilinaw ng Department of Tourism (DOT), ang 4 milyong Tsino ay mga turista na nagbabakasyon dito at mayroong humigit kumulang na 30,000 na Tsino na mas matagal ang pamamalagi dito sa loob ng isang taon sa iba’t ibang kadahilanan.

Sa parehong pagdinig ng PRA, bumanat na naman itong si Hontiveros tungkol sa isyu ng “pastillas scam” o panunuhol sa mga opisyales ng Bureau of Immigration na aniya ay umabot sa P40 bilyon.

Ang halaga ay batay sa kanyang pagtaya na P10,000 ang ipinansuhol ng nasabing 4-milyon Tsino na dumating sa bansa.

Ngunit ito ay kathang-isip lang dahil puro turista ang sinasabing 4M sa loob ng 3 taon at wala namang iligal dito.

Ayon sa bagong ulat, may 86 na opisyales at kawani ng BI ang nakasuhan na sa DOJ at mahirap paniwalaan ang P40 bilyon na na sinasabi ni Hontiveros ay nakulimbat ng mga korap sa ahensiya.

Ang sinasabi naman ni Hontiveros na kinatatakutang pag-aaklas ng mga komunista, ay bahagi pa rin ng kanyang kathang-isip.

Sa unang bahagi ng 2020 ay may 124 na teroristang CPP-NPA ang napatay ng puwersa ng gobyerno, ayon sa ating Sandatahang Lakas (AFP).

Mayroon ding 1,705 ang sumuko at nasa 378 na iba’t ibang uri ng armas ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng militar at sibilyan.

Para sa kaalaman ni Riza “Sisa” Hontiveros, hindi na dapat kinatatakutan ang CPP-NPA. Tama na ang higit 50 taon na nasayang sa badyet ng bansa na nailaan sana sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ngayon, sabihin mo nga Senadora kung sino ang maluwag ang turnilyo para hindi maunawaan ito at ipilit pa rin ang iyong mga maling kongklusyon.

(Join: “Power Thinks” with Ka Mentong Laurel and guests; Every Wednesday and Saturday 6pm Live on Global Talk News Radio (GTNR) on Facebook and Talk News TV on YouTube)

Leave A Reply