Banner Before Header

Tagumpay ang fuel marking program!

0 204
HINDI maikakaila na tunay na epektibo ang “fuel marking program” para masawata ang pagkalat ng “smuggled” na produktong petrolyo.

Makikita ito sa tumataas na koleksyon ng buwis mula sa importasyon natin ng mga “oil-based products.

Ayon kay Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez, mula Setyembre 4, 2019 hanggang Oktubre 29, 2020 ay umabot ng P147.47 bilyon ang nakolektang “fuel marking revenue.”

Ang buwis ay mula sa 14.63 bilyong litro ng produktong petrolyo na minarkahan ng gobyerno.

Batay sa record, ang koleksyon dito ng Bureau of Customs ay umabot sa P127.59 bilyon.

Ang tax collection naman ng Bureau of internal Revenue (BIR) ay P19.88 bilyon.

Sinabi pa ni Dominguez na ang lumalaking revenue collection mula sa mga produktöng petrolyo ay ang “best indicator” ng tagumpay ng fuel marking program.

“An increase in the collection from fuel importation would, of course, mean that those importing fuels are now declaring them and paying taxes,” ayon pa sa kalihim.

Good job, BoC at BIR!

***

Patuloy ang paghahanap ng BoC ng paraan upang mapaganda ang serbisyo sa Aduana.

Noong Nobyembre 5, 2020, ay nagsagawa ito ng Webinar on national single window o NSW.

“The NSW is an online portal where the automated licensing, permit, clearance systems of trade regulatory government agencies (TRGAs) for the export and import of goods across the region are integrated,” pahayag pa ng ahensiya.

Ang BoC ang chairman ng NSW technical working group (TWG) sa ASEAN.

Isinagawa ang Webinar bilang bahagi ng BoC priority program para mahikayat ang mga TRGA para gamitin ang NSW platform  “as well as implement the policies and directives of the NSW steering committee headed by the Department of Finance.”

“The event provided an overview on NSW and ASEAN Single Window (ASW) system as well as the functionalities of the new NSW system called TRADENET.gov.ph,” ayon pa sa report na nakarating sa atin.

Nanawagan si BoC Chief Rey Leonardo Guerrero, chairman ng NSW-TWG, sa BoC stakeholders at TRGAs “to take advantage of the government initiatives in facilitating trade such as the NSW platform.”

Sinabi pa ni Guerrero, patuloy ang BoC sa pagpapatupad ng mga proyektong magpapagaan sa transaksyon sa Aduana.

Sa dami at bigat ng mga problema sa Aduana ay talagang mahirap ang trabaho ng mga taga-BoC.

***

Marami talagang gustöng maging hepe ng Bureau of Customs.

Ang akala nila’y madali ang maging customs commissioner kaya isang tambak ang naglalaway sa “mainit” na upuan sa port area.

Ang hindi nila alam, sakit ng ulo ang daratnan ng isang bagong BoC chief.

Sa tingin nga ng marami, kahit anong gawin mo ay siguradong meron at merong kang masasagasaan.

Bilang hepe ng BoC, parang wala kang gagawing tama.

Sa totoo lang, ang isang matinong lingkod bayan na mamumuno sa BoC ay aalis sa Aduana na luhaan.

Kaya naman napaka-unfair sa hepe ng BoC na makarinig na meron na siyang nakahandang  kapalit.

Paano pa siya makapagko-concentrate sa trabaho kung palaging naririnig o nababasa ang mga tsismis na malapit na siya sa “exit door.”

Hindi lang unfair ito.

Napaka-sadistic naman nito, lalo’t alam mo naman na subsob sa trabaho ang niyuyogyog at gustong mapalitang opisyal.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong oangalan at tirahan.)

Leave A Reply