SA taong ito ay nakapag-isyu na ang Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) ng Warrants of Seizure and Detention laban sa mga hindi deklaradong foreign currencies na nagkakahalaga ng P29.8 milyon.
Ang mga nakukumpiskang foreign currencies ay isinasalang sa forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Noong isang linggo lang ay nakasakote na naman ang mga tauhan ni District Collector Mimel S. Manahan-Talusan ng undeclared currencies na nagkakahalaga ng 13,500 US dollars.
At ngayon nga ay nakasakote na naman sila sa NAIA ng iba pang pakete na naglalaman ng 38,700 US Dollars.
Ang mga Dolyar ay nakita sa mga magazine na laman ng mga paketeng nasa FedEx Warehouse na galing Estados Unidos.
Ang mga ito ay idineklarang naglalaman ng mga dokumento.
Ang mga pakete ay ipinadala ng isang “Jacqueline Paas” sa iba’t ibang consignees sa Muntinlupa City.
Pinaalalahanan ni Collector Talusan ang publiko na dapat i-deklara ang mga ini-import na foreign currencies.
Ito ay ayon sa manual of foreign exchange transaction ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang kailangan lang ay gamitin ang prescribed foreign currency declaration form.
***
Kaya nating magkaroon ng world class customs administration.
Napatunayan ito ng BoC-Port of Cagayan de Oro sa Mindanao.
Puring-puri ng Philippine Sinter Corporation ang nasabing collection district sa pangunguna ni Coll. John Simon, dahil sa mabilis ang paglabas ng kanilang shipment.
World class ang serbisyo dahil dumating sa Philippine Sinter ang kanilang shipment sa loob lamang ng 25 minutos.
Nagawa ito ng port dahil sa tinatawag na Project FAST-CaRes o ang “First Asean Standard Time Cargo Releasing System.”
Ang Philippine Sinter ay isang subsidiary ng JFE Steel Corp ng Japan.
Isa ang Philippine Sinter sa mga kompanya na kasama sa proyekto dahil ang korporasyon ay isa sa “most trusted traders”
Sinabi ni Philippine Sinter Makati Office Vice President Rey Santos na “this is a very good procedure, very good for us multinational companies.”
Dati daw ay “time-consuming” ang pagkuha ng clearances.
Ayon pa kay Collector Simon, “the feat is proof that processes can be streamlined and that a world class customs administration can be achieved.”
Ang programa ng CDO port ay suporta sa 10-point priority programs ni Customs Chief Rey Leonardo Guerrero.
***
Subsob sa trabaho ang mga taga-Bureau of Customs.
Alam nilang meron na lang silang 25 working days bago matapos ang 2020.
Siguradong malalampasan nila ang BoC collection target sa taong ito.
Pero ang gusto nila ay tumaas pa ang tax collection ng ahensya dahil kailangan ng gobyerno ang malaking pondo.
Maraming pinagkakagastusan ang gobyerno.
At tama lang ang order ni Pangulong Rody Duterte na habulin ang lahat ng mga magnanakaw sa sa loob ng pamahalaan.
Masahol pa sa Covid-19 pandemic ang mga pinaggagagawa ng mga ito.
Sila ang pumapatay sa marami nating kababayan.
Talagang salot ang mga magnanakaw sa gobyerno.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalanbat tirahan).