Banner Before Header

Miller at Trump, huling hirit

0 222
SINO si Christopher C. Miller?
IIlan lamang ang nakakikilala sa kanya ngunit isang pangalan na dapat malaman sa panahon ngayon.

Sa kadahilanang siya ay itinalaga bilang acting Defense Secretary ni Pangulong Donald Trump pagkatapos patalsikin sina Mark Asper at Jim Mathis na parehong sumalungat sa mga kagustuhan ni Trump.

Miller – dating opisyal ng Special Forces na namuno sa Green Beret noon sa Iraq at Afghanistan. Noong nakaraang Marso siya ay naging Direktor ng National Counterterrorism Center ng Estados Unidos. Marami na rin siyang pinagdaanang espesyal na “high assignments.”

Sa nalalabing panahon ni Trump bilang pangulo ng US, si Miller ay kaagad na kumilos at noong isang linggo ay bumisita siya sa Gitnang Silangan (Middle East).

At sumunod sa Indonesia at kamakailan ay dito sa Pilipinas at nakipagmiting sa kanyang katapat na si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Nagkataon lamang ba na naglabas ang Asia Maritime Transparency Institute (AMTI) ng maling impormasyon hinggil sa South China Sea na may patama sa China sa pagbisita ni Miller? Maaari nating sabihin sa huli na ito ay may kinalaman sa pagdating ni Miller upang maihanda ang ating kaisipan sa kahalagahan  ng kanyang pagbisita.

Dahil sa may banta raw ang Tsina sa seguridad ng rehiyon at para na rin sa panloob na problema natin sa seguridad, ang mga Kano ay nagbigay ng $29M para sa mga kagamitang pandigma. Noong nangailangan tayo ng armas sa kaguluhan sa Marawi ay hindi nila tayo pinagbigyan at ngayon sa gitna ng pandemya bibigyan tayo ng armas at gagamitin ang isyu sa SCS at Tsina.

Hindi gagawin ng Tsina ang magpalakas ng seguridad at paramihin ang kanilang puwersang militar sa karagatan ng SCS.

Bakit? Mayroong itinatag na RCEP o ang ‘Regional Comprehensive Economic Partnership’ upang mapatatag ang tiwala at kapayapaan sa rehiyon at ito ay may 15 miyembrong bansa at kasama ang ASEAN.

Sino ang magbabanta ng digmaan kung mismo ang Tsina ang naghihikayat at umaagapay sa mga bansa upang bumangon ang kanilang mga ekonomiya sa gitna ng pandemya?

Sinabi mismo ng ating National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagdinig sa Senado na kapartner natin ang Tsina sa kalakalan at nakikinabang tayo sa kanilang merkado at malalaking proyekto. Hindi tayo nakikipag-digma sa Tsina.

Ang pag-ikot ni Miller sa Indonesia, Pilipinas at Indo-Pacific Command sa Hawaii ay pagpapakitang-gilas bago bumaba sa puwesto si Trump. May napipisil ng kapalit si Miller sa pag-upo ni Biden bilang bagong pangulo ng Estados Unidos.

***

Ang AMTI na taga-espiya ng US sa SCS na nag-iimbento ng balita sa pagdami raw ng patrulya ng Tsina sa karagatan ng South China ay walang matatag na ebidensya.

Ang tunay at may ebidensya ay ang paggamit ng US ng “air codes” ng ibang bansa sa pagtiktik sa ilang bahagi ng Tsina.

Ang nakakatakot pa ay dito sila humihinto upang magkarga ng fuel.  Kaya nga kung may pag-aagam-agam sa balita ng AMTI, hanapin ang tunay na ulat sa South China Sea Probing Initiative (SCSPI).

Para sa kapakanan ng sambayanan upng hindi magoyo ng fake news laban sa Tsina at sa Pilipinas, ang Philippines-BRICS Strategic Studies ay laging nakasubaybay upang iwasto ang mga maling ulat.

(Join: “Power Thinks” with Ka Mentong Laurel and guests: Every Wednesday 6pm Live on Global Talk News Radio (GTNR) on Facebook and Talk News TV on YouTube; and Every Sunday 8 to 10am on RP1 738 on your AM radio dial.)

Leave A Reply