Banner Before Header

Sen. Hontiveros, “nganga” kay Devanadera

Consumers “iniwan sa ere” ng ERC

0 382
WALANG balak ang ‘Energy Regulatory Commission’ (ERC) na maglabas ng panibagong direktiba na nagtatakda sa mga ‘electric cooperatives’ (ECs) at ‘distribution utilities’ (DUs) katulad ng Manila Electric Company (Meralco) na palawigin pa ang ‘deadline’ sa pagbabayad ng mataas na singil sa kuryente noong nakaraang taon.

Sa artikulong lumabas sa Philippine Star, noong Huwebes, Enero 14, 2021, sinabi ni ERC chair, Agnes Devanadera, na “ipinapaubaya” na ng komisyon sa mga ECs/DUs ang desisyon kung palalawigin pa ng mga ito ang panahon upang makabayad sa kuryente ang kanilang mga kostumer.

Mandato ng ERC na tutukan ang operasyon ng mga DUs at ECs upang matiyak na hindi naaabuso ang mga gumagamit ng kuryente.

Ang pagtitiyak ni Devanadera na hindi na makikialam sa isyu ang kanyang tanggapan ay matapos namang manawagan si Sen. Risa Hontiveros, partikular na sa Meralco, na “pag-aralan” muli ang posibilidad na ‘extension’ para sa pagbabayad ng kuryente ng mga kostumer nito sa kontrobersiyal na mataas na singil ng kumpanya noong nakaraang taon.

Matatandaan na milyong Pilipino ang pumalag sa naging ‘monthly billing’ sa kanila ng Meralco at mga ECs, partikular sa mga buwan ng Marso, Abril, Mayo at Hunyo, kung saan nasa ‘lockdown’ ang buong bansa dahil sa pandemya ng COVID-19.

Bunga nito, napilitan ang ERC na utusan ang Meralco na palawigin ang pagbabayad ng mga kostumer nito hanggang Oktubre.

“Boluntaryo” namang pinahaba pa ng Meralco ang ‘no disconnection policy’ nito hanggang sa pagtatapos ng buwang kasalukuyan, para sa mga kostumer na kumukonsumo ng mababa sa 200kWh kada buwan.

Dagdag pa ng kumpanya ng oligarkong si Manuel V. Pangilinan, puputulan na nila ng kuryente ang kanilang mga kostumer na kumukosumo naman ng higit sa 200kWh kada buwan.

Ayon naman kay Hontiveros, potensiyal na “magdilim” ang maraming bahay sa Pilipinas dahil sa banta ng Meralco at mga ECs na putulan sila ng suplay ng kuryente.

Depensa naman ni Devanadera sa mga DUs at ECs, “hindi lahat” sa mga ito ay may kakayahang palawigin pa ang kanilang ‘no disconnection policy’ kaya bahala na ang mga ito na magdesisyon.

Leave A Reply