Banner Before Header

BoC, handa na sa mabilis na paglabas ng COVID-19 vaccines

0 181
NOONG Martes, Pebrero 9, 2021, ay ipinagdiwang ng Bureau of Customs (BoC) ang ika-119 taon nitong kaarawan.

Ang sentro ng nationwide celebration ay ginanap sa Port of Manila (POM), kung saan si Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez lll ang siyang panauhing pandangal.

Ang okasyon ay ginamit ng mga opisyal ng BoC upang bigyang-diin ang kanilang determinasyon na lalong pagandahin ang serbisyo ng Aduana.

Sa pamumuno ni dating AFP chief, Rey Leonardo Guerrero, naniniwala tayo na mababago ang imahe ng BoC.

Sa totoo lang, kayang-kaya pang gawing world class ang serbisyo sa Aduana.

Ito ay sa kabila ng katotohanang meron na lang nalalabing mahigit labing-anim na buwan ang administrasyong Duterte.

Nakatakdang bumaba sa puwesto si Pangulong Rody Duterte sa tanghaling tapat ng Hunyo 30, 2022.

Hindi kasi puwedeng tumakbong muli sa pagka-presidente ang dating alkalde ng Davao City.

Sa tingin ng mga waterfront observer, nasa tamang landas si Commissioner Jagger.

Ang mahalaga ay meron siyang sapat na political will para baguhin ang graft prone image ng ahensya.

****

Nagtayo ang Bureau of Customs ng mga one-stop-shop sa ibat-ibang ports of entry sa bansa.

Ang layunin ng mga opisinang ito ay para siguruhin ang maayos at mabilis na paglabas sa mga pantalan ng mga anti-Covid vaccines.

Hindi kasi puwedeng maantala ang release ng mga bakuna.

Kailangang madala kaagad ang mga bakuna sa mga probinsiya, siyudad at bayan.

Pero nakahanda naman ang BoC para pigilan ang pagpasok sa bansa ng mga pekeng bakuna.

At hindi lang yan!

Lahat ng mga unregistered at hazardous products ay hindi dapat makalusot sa mga paliparan at daungan.

Sinabi ni BoC Chief Rey Guerrero na nananatiling committed ang ahensiya “in the apprehension of counterfeit Covid-19 vaccines.”

Sa Port of NAIA ay handa na sina District Collector Carmelita S.  Manahan-Talusan sa pagdating ng mga bakuna.

Ang bulto ng mga imported vaccine ay inaasahang darating sa Ninoy Aquino International Airport.

Hindi birong trabaho ang pagdagsa ng mga bakuna sa bansa.

Lahat ay excited na!

***

Sa Port of Legaspi ay tuwang-tuwa ang mga tauhan ni District Collector Arsenia C. Ilagan.

Masaya at maganda ang pasok ng 2021 sa kanila.

Noong nakaraang buwan ay umabot ng P35.6 milyon ang revenue collection ng nasabing port.

Ito ay lampas ng P11.6 milyon sa target nilang P24 milyon.

Ang bulto ng koleksyon ay galing importasyon ng bigas.

Patuloy na nananawagan si Coll. Ilagan sa kanyang mga tauhan na lalo pang “pagbutihin” ang kanilang trabaho.

Good job, Collector Enya!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa#0921-4765430/email:tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply