Banner Before Header

‘Mr. Untouchable’ ng pantalan?

0 251
NOONG Linggo, Pebrero 28, 2021, naisipan nating “magbungkal” ng mga naitago nating mga dokumento upang maghanap ng mga isyu na alam nating ‘relevant’ pa rin naman hanggang ngayon.

At isa sa mga “natisod” natin, customs commissioner, Jagger Guerrero, ay ang ‘privilege speech’ ni Sen. Ping Lacson noong Agosto 23, 2017, kung saan inilabas niya ang kanyang ‘Tara List’ o ang lahat ng pangalan ng umano’y mga “players” sa pantalan at pati na rin ang pangalan ng mga opisyales at mga empleyado na umano’y “tumatara” sa kanila.

Sa kabuuan, mayroon ditong 46 pangalan ng mga “players” 38 “tagatanggap” (bagman) at 21 opisyales ng Aduana—sa pangunguna ni noon ay Comm. Nicanor ‘Mang Kanor’ Faeldon.

Ayon pa kay Sen. Ping, ang buong Assessment Division (FED/IED) sa Port of Manila (POM at Manila International Container Port (MICP) ay pawang tumatanggap din, sa pangunguna ng kani-kanilang mga ‘secton chiefs.’

Bago ito, sa termino ni Noynoy Aquino at ex-AFP chief, Jessie Dellosa bilang deputy commissioner for intelligence (DCI), may nailabas na rin tayong ‘banner story’ sa People’s Tonight kung magkano ang tara na ibinibigay ng mga nasabing players, ‘every Friday,’ wika nga, sa mga korap na opisyales at empleyado ng Aduana—mula sa ordinaryong ‘customs guard’ hanggang sa mga “pinagpala” sa ‘OCCOM’ (Office of the Commissioner of Customs).

‘And to be fair,’ wika nga, si DCI Jessie ang ‘source’ natin sa nasabing istorya.

Bilang pagpapasikat, ehek, pagpapakitang-gilas, ayy, pagpapatunay, na hindi niya kukunsitihin ang korapsyon, noon namang Hulyo 18, 2019, “isinakay” ni Comm. Jagger ang may 52 empleyado at ‘middle-level customs officials’ sa isang ‘tourist bus’ at dinala sa Malakanyang upang “boldyakin” mismo ni PDU30.

Kasunod nito, sinabi sa atin na sinampahan sila ng mga kaso sa Ombudsman at ang kasunod pa nito, wala na tayong nabalitaan, hahaha!

***

Kung inaakala naman ni Comm. Jagger at deputy commissioner for administration (DCA) Donato San Juan na “nagtatagumpay” sila sa kampanya laban sa korapsyon sa pamamagitan ng pagsibak sa mga notoryus na mga opisyales ng Aduana, ang masasabi lang natin at ng mga miron eh, di… wow! Hahaha!

Dangan kasi panahon pa ni Senate President Ernesto ‘Mr. Expose’ Maceda (nasa Senado mula 1987 – 1998) palagian na lang may listahan ng mga “players” sampu ng mga “korap” na empleyado at opisyales ng Aduana.

At kapansin-pansin na noon at ngayon, kahit ‘yung mga opisyales na dumanas ng ‘public shaming’ katulad ng ginawa ni Sen. Ping noong 2017, nasa posisyon pa rin at ang iba pa nga, ‘na-promote pa,’ talaga rin naman, hehehe!

Katulad na lang nitong isang noon ay empleyado pa lang– pero notoryus na bilang “bagman”—aba’y promoted pa ngayon bilang ‘customs director!’

Eh, sadya yatang maraming “protektor” sa pantalan itong mamang ito dahil sa dinadami-dami ng mga nangyaring imbestigasyon sa mga kalokohan sa Aduana at sa dinami-dami ng mga nasampahan ng kaso, lumabas na siya ang ‘last man standing’—at promoted pa nga ngayon, talaga rin naman, hindi ba, Sen. Ping? Gusto mo bang mag-react, hihihi!

Sa ngayon, “imbudo” sa kanyang tanggapan ang pag-release ng ilang ‘sensitive items’ na iniutos ni Comm. Jagger, batay naman sa direktiba ng DTI.

Wala namang masama dito hindi ba DOF secretary Sonny Domionguez?

Ang problema lang, reklamo ng mga miron, ang kanyang mga “binabantayan” na mga produkto ay mga produkto na “negosyo” rin ng kanilang grupo, aguy, aguy, aguy!

Oh yes, hindi lang kasi nakalista ito bilang ‘bagman’ kay Sen. Ping, “negosyante” rin ang isang ito, katulad ng iba pang mga opisyales sa pantalan kaya, ano ang “laban” sa kanya ng mga “kakumpitensiya” nila, aber?

“Inaasahan” pa nga na sa mga darating na araw, lalo pang “tatalas” ang “pangil” ng isang ito upang “makopo” na nila ang lahat ng ‘shipment’ na gusto nila, aruy!

Sa kanyang mga huling araw sa Malakanyang, sinabi ni PDU30 na “sesentro” ang kanyang kampanya sa paglaban sa korapsyon.

Ang tanong naman natin, bakit sa termino ni PDU30 at Comm. Jagger, “namayagpag” pa ang mga opisyal na ganito? Siya nga kaya ang ‘Mr. Untouchable’ sa pantalan?

Abangan!

Leave A Reply