HINDI na natin dapat ipagtaka kung bakit mabilis na nailalabas ang mga bakuna pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Dahil sa maselan ang mga bakuna hindi puwedeng magtagal sa NAIA ang mga ito kaya kailangang madala kaagad sa Metropac Storage facility.
Alam ba ninyo na bago pa man dumating sa bansa ang mga bakuna ay dumadaan na ang mga ito sa tinatawag na “pre-arrival clearance process.”
Ito ay ginagawa ng ‘One-Stop-Shop’ sa Port of NAIA.
Ayon sa rekord ng Port of NAIA, “BoC has already cleared and released 3.02 million doses” ng bakuna.
Ang mga bakuna ay importasyon ng Department of Health.
Noon ngang nakaraang linggo ay dumating na naman sa NAIA ang kalahating milyong doses ng Sinovac.
Ang mga bakunang binili ng bansa sa China ay sakay ng isang eroplano ng PAL na galing Beijing, China.
Si BoC Chief Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero ay “committed to immediately process the import permits of vaccines,” ayon pa sa pahayag ng Aduana.
Pero alerto naman ang mga tauhan ni Port of NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan laban sa mga magtatangkang magpasok ng mga hindi rehistradong bakuna.
Laging alerto ang mga taga-Port of NAIA kahit nandiyan pa ang banta ng Covid-19.
Siniguro pa ni Collector Talusan na tuloy ang active coordination at cooperation ng BoC sa ibang ahensya ng gobyerno.
Ito ay para lalong mapaganda ang “clearance processes” ng mga bakuna laban sa Covid-19.
Hindi rin nakakalimutan ng mga tauhan ni Sir Jagger sa NAIA ang iba nilang trabaho.
Ito ang pangongolekta ng buwis at pagsawata sa pagpasok ng mga ipinagbabawal na droga.
Kaya nga nakatutok din ang atensyon ng mga tauhan ni Ma’am Mimel sa mga parating na parcel.
May mga nagtatangka pa ring magpasok ng ecstasy at marijuana.
Ang maganda, hindi ito nakalulusot sa mga tao ni Collector Talusan.
Ang kailangan siguro ay pabigatin pa ang parusa sa mga ismagler ng iligal na droga.
Puwede ba, Senate President Tito Sotto at House Speaker Lord Allan Velasco?
****
Maliban sa pagsubasta ng mga kumpiskado at abandonadong kargamento, kumikita rin ang BoC ng dagdag na buwis sa pamamagitan ng ibang paraan.
Isa na rito ang tinatawag na post audit ng mga importasyon.
Ito ay ginagawa ng BoC-Post Clearance Audit Group (PCAG)sa pamumuno ni BoC Spokesman at Assistant Commissioner, Atty. Philip Vincent Maronilla
Makikita na sa unang tatlong buwan ng 2021, ay nakakolekta na ang PCAG nang karagdagang buwis na umabot sa P287, 036,700.02.
Ang dagdag na revenue ay mula sa prior disclosure program (PDP) ng PCAG.
Nakakolekta rin ang PCAG ng dagdag na buwis sa pamamagitan ng mga demand letter sa mga importer na idinaan sa post clearance audit.
Malaking tulong ang ginagawang ito ng PCAG, lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Talagang kailangang magtrabaho ng double time ang mga taga-BoC dahil apektado ng Covid-19 ang tax collection ng gobyerno.
Sabi nga ng mga miron natin sa Aduana, hindi puwedeng patulog-tulog ang mga bata ni Sir Jagger.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, gumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)