Banner Before Header

‘MECQ extension’ malalaman ngayong linggo

0 356
NGAYONG linggong ito pag-uusapan ng pamahalaan kung ipagpapatuloy pa ang paglalagay sa Metro Manila at mga kalapit-lalawigan (NCR plus areas) sa ilalim ng ‘Modified Enhance Community Quarantine’ (MECQ).

Matatandaan na unang inilgay sa MECQ ang buong Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna dahil sa pagsikad ng mga nagkakasakit sa ‘Covid-19’ noong huling linggo ng Marso at dapat sana ay nagtapos na noong Abril 5, 2021, subalit na-extend hanggang sa pagtatapos ng Abril.

Magkasalungat naman ng posisyon sina Department of Trade and Industry secretary Ramon Lopez at Department of Health secretary Francisco Duque III, hinggil sa pagpapalawig pa ng MECQ.

Para kay Lopez, naniniwala siyang panahon na upang ibalik ang mga nasabing lugar sa ‘GQC’ (general community quarantine) upang makatulong na muling mapasigla ang ekonomiya.

Sa kabilang panig, sinabi ni Duque sa panayam ngayong Abril 26, 2021, na dapat pang bigyan ng panibagong isang linggong palugit ang MECQ o hanggang sa unang linggo ng Mayo.

Katwiran pa ni Duque, kailangan ang palugit upang mabigyan nang pagkakataon ang mga hospital sa NCR plus areas na makapagbawas ng kanilang mga pasyente.

(Pinalawig pa hanggang Mayo 14, 2021, ang MECQ sa ‘NCR Plus Areas’ batay na rin sa pahayag ni Pang. Duterte noong Abril 28, 2021. Buong buwan naman ng Mayo ang MECQ sa Santiago City, Isabela, Quirino at Abra. Updated: Abril 28, 2021).

Leave A Reply