Banner Before Header

Bong Go: Magsasaka, mangingisda ibangon sa COVID-19 crisis

0 239

Manila, Philippines – Umapela si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Agriculture na tulungan ang agri at fishery-based micro and small enterprises para matiyak ang seguridad sa pagkain bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na ibangon ang mga Filipino mula sa coronavirus disease (COVID-19) crisis.

“Sa crisis ngayon na dulot ng COVID-19, maraming industriya ang naapektuhan ngunit ang supply ng pagkain ay hindi dapat matigil. Umaapela po ako sa Department of Agriculture na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda para masigurado na may sapat na pagkain para sa bawat pamilyang Filipino,” ayon kay Go.

Ayon sa DA, sa pamamagitan ng kanilang Agricultural Credit Policy Council, nagpapatuloy ang ahensya na mapahusay ang probisyon ng concessionary loans sa ‘marginal small farmers and fishers’, kabilang na ang agri-based micro and small entrepreneurs sa pamamagitan ng Expanded SURE Aid and Recovery Project.

Ani Go, kailangang i-promote pa ng DA ang kanilang inisyatiba para makuha ang target beneficiaries lalo’t ang pamahalaan ay naghahanda nang ipatupad ang Balik Probinsya, Balik Pag-asa program (BP2) matapos ang krisis sa pangkalusugan.

Pinuri naman ni Go ang DA dahil sa pag-aksyon sa nauna niyang apela na hikayatin ang local government units na bumili ng agri-produce mula sa lokal na magsasaka at farmer-cooperatives na maaaring maisama sa kanilang relief operations sa kanilang constituents.

“Ilang mga LGUs rin ang nagpamigay ng gulay, prutas at isda sa kanilang relief operations. Dagdag tulong ito sa mga magsasaka at mangingisda para kumita, naging masustansya pa ang relief goods na naipamahagi sa mga nangangailangan,” ayon kay Go.

Simula noon, nakipag-ugnayan na ang DA at hinikayat ang LGUs na direktang bumili ng relief goods sa mga magsasaka at farmers’ cooperatives.

Nito lamang Hunyo 1, ay may 425 LGUs ang bumili ng sariwang produkto mula sa mga magsasaka para ipamahagi bilang relief goods.

Upang mabigyan naman ng tamang edukasyon at technical o vocational skills training sa agrikultura, ang Agricultural Training Institute ay makikipagtulungan sa iba’t ibang State Universities and Colleges at sa Department of Education para makapag-produce ng modules at klase na nakatuon lamang sa classes ‘sustainable agriculture.’

“Lalo na sa panahon ngayon na apektado ng krisis ang ating ekonomiya, ‘back to basics’ po tayo. Nakita natin ngayon kung gaano kahalaga ang agrikultura sa ating bansa at sa ating kabuhayan,” ang pahayag ni Go.

“Mabilis pong maibabalik ang sigla ng ating ekonomiya kung palalakasin natin ang sektor ng agrikultura sa ating mga probinsya,” dagdag na pahayag ni Go.

Ang ATI ay tatambal naman sa Technical Education and Skills Development Authority para bumuo ng training regulations sa ‘grains production, organic agriculture and artificial insemination.’

Bukod sa mga nabanggit, hinikayat ni Go ang ATI na makipagtulungan sa maraming State Colleges at organisasyon para tutukan ang urban farming at kung paano makakayanan ang lumalagong demand ng pagkain sa malalaking lungsod at lalawigan.

“We have seen how the pandemic broke the global supply chains of the food sector. Now is the time to ensure that we are self-sustaining and reduce our dependence on global trade when it comes to food. Now, more than ever, we need to promote and support food security and agriculture in the country,” diing pahayag ni Go.

Ang DA ay nagpapatupad ng iba’t ibang programa upang masiguro na tataas ang food productivity, kabilang na ang probisyon ng iba’t ibang inputs, gaya ng machinery, tools, at equipment sa agricultural workers; at peobisyon ng low- or zero-interest credit at pagtatatag ng credit facilities, gaya ng Sikat Saka Program para sa mga magsasaka ng bigas at mais, Survival and Recovery Loan para sa mga biktima ng kalamidad , at Production Loan Easy Access para sa mga pananim, livestock at fisheries projects.

Nagbibigay din ang DA ng free training at seminars sa rice production, modern rice farming techniques, seed production at farm mechanization sa mga magsasaka; at nag-implementa ng Kadiwa ni Ani at Kita Marketing Program na nagtatag ng direct link sa pagitan ng farmers/fisherfolk at ss consuming public, tinitiyak na ang mga magsasaka ay makakakuha ng best prices para sa kanilang mga produkto habang nagbibigay naman ng abot-kaya, ligtas at masustansiyang ani para sa mga Filipino consumers.

Leave A Reply