HINDI na tayo dapat magtaka kung tawaging “Three Musketeers” ang tatlong ahensiya ng gobyerno sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang BoC -Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG).
Siguro abot-langit ang galit ng mga ismagler ng mga iligal na droga sa tatlong ahensyang ito.
Bakit nga ba hindi sila magagalit sa Port of NAIA, PDEA at NAIA-IADITG, laging timbog ang kanilang mga parating na droga?
Noong ngang Mayo 17 ay nahuli ng Three Musketeers ang isang Kristopher Segumbang “for claiming a shipment of party drugs.”
Si Segumbang ay dinampot ng mga otoridad sa isang controlled delivery opertions sa Caloocan city.
Ang suspek ay authorized representative nitong si ‘Nick Dimagiba,’ ang consignee ng shipment.
Galing ng Malaysia, ang party drug na Ketamine ay nagkakahalaga ng P3.l milyon.
Tumitimbang ng 622 gramo, ang mga droga ay isinilid sa mga sachet ng kape na idineklarang “snacks.”
Pagkatapos na dumaan sa non-intrusive X-Ray Scanning at K-9 sweeping ay idinaan sa 100 percent physical examination ang shipment.
Dito nga nadiskubre ang mga party drug.
Ang suspek at ang mga Ketamine ay nasa kustodiya na ng PDEA.
Ang PDEA, na pinamumunuan ni Director-General Wilkins Villanueva, ay ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Noong nakaraang Mayo 11 ay inaresto ng tatlong ahensya ang dalawang claimant ng party drug na Ecstasy sa Quezon City Postal Office.
Sa utos ni BoC Chief Rey Guerrero ay lalo pang pinaigting ni Port of NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan ang kampanya laban sa droga.
At siyempre sa tulong ng ibang ahensya ng gobyerno, lalo na ang PDEA at NAIA-IADITG.
Bantay sarado din ng mga tauhan ni Ma’am Mimel ang pagpasok sa bansa ng mga peke at hindi rehistradong bakuna laban sa Covid-19.
Dahil sa vaccine shortage at taas na presyo ay baka may mga ma-demonyong “magpalusot” ng mga ito.
Good job, Collector Talusan!
***
Sa isang buwan ay magsisimula na ang tag-ulan sa bansa.
Sana huwag tayong bahain na kagaya ng mga nangyari ng mga nakaraang taon.
Lalo na sa Metropolitan Manila at mga karatig pook.
Huwag nating kalimutan na maraming mabababang lugar ang MM at mga kalapit na probinsya.
Sa totoo lang, maraming lugar sa bansa ang nagmimistulang “fish pond” tuwing may baha.
Ang problema, saan kukuha ng pera ang gobyerno kapag nagkaroon ng malawakang pagbaha?
Alam naman natin na hirap na ang gobyerno dahil sa pandemya.
At nandyan pa ang mga nakakatakot na sakit tuwing tag-ulan, na kagaya nang dengue at leptospirosis.
Sakit talaga ng ulo.
Hindi ba, Pangulong Duterte at Senador Bong Go?
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4865430/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)