Banner Before Header

Huwag maging iresponsable, period!

0 495

“(W)HAT society expects is a responsible free press. It is acting responsibly that freedom is given its true meaning.”

Ganito ang naging “paalala” sa ating lahat ni Judge Rainelda Estacio-Montesa, Branch 46, Manila Regional Trial Court, matapos ang ‘guilty verdict’ kay Maria Ressa, ang “bosing” ng Rappler at sa kanyang kapwa-akusado na si Rappler researcher-writer, Reynaldo Santos Jr.

Ang hatol na binasa kahapon, Hunyo 15, 2020, ay kaugnay sa kasong ‘cyberlibel’ na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng kaugnay sa mga ‘libelous articles na inilabas ng Rappler laban sa kanya noong 2012, kung saan isinabit siya sa artikulo sa murder, drug and human trafficking kung saan inakusahan din siya na kuwestyunable ang kanyang pagiging Pilipino.

Hindi pa nakuntento, muling inilabas ng Rappler ang artikulo laban kay Keng noong 2014; sa kabila ng kanyang “pakiusap” gamit ang emisaryo na “ilabas” naman o “ituwid” ng Rappler ang mga mapanirang bintang nito laban sa kanya, hindi ito ginawa ng Rappler.

Ang resulta? “Swak” sa kasong cyberlibel itong si Ressa at Santos.

***

Kung bakit muling “pinalalaki” nitong  Rappler at mga kasabwat, ehek, mga katulad, nilang masyadong “nagmamagaling” sa hanay ng media ang ‘conviction’ nitong si Ressa at Santos, hindi natin maintindihan, mga kabayan.

Dangan kasi, kung babasahin lang ang 37-desisyon ni Judge Estacio-Montesa, aba’y makikitang sa guilty verdict talaga ang magiging desisyon, dear readers.

Una na nga rito ay ang pagtanggi ng Rappler na ilabas ang panig ni Keng.

At alam ba ninyo na hindi man lang tumestigo itong si Ressa at Santos sa kasong ito sapul nang isampa ito sa korte  noong 2017 at sa pagsisimula ng pagdinig noong isang taon?

Ayon pa nga sa desisyon ang pagtestigo sana nitong si Ressa at Santos ang tamang pagkakataon hindi lang upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili, bagkus, ang sabihin din sa korte na ‘good motive’ ang dahilan sa kanilang desisyon na ilathala ang artikulo laban kay Keng.

Sang-ayon kasi sa Article 361 ng ating “RPC” (Revised Penal Code):

“Proof of truth—In every criminal prosecution for libel, the truth may be given in evidence to the court and if it appears that the matter charged as libelous is true, and moreover, that it was published with good motives and for justifiable ends, the defendant shall be acquitted.”

Translation? Na kay Ressa at Santos ang lahat ng pagkakataon upang “makalusot” sa kaso pero bakit, hindi nila ginawa?

Dahil ba hindi nila kayang patunayan na totoo ang mga bintang nila laban kay Keng at sadyang hindi “mabuti ang kanilang motibo” kaya inilabas nila ang artikulo?

Ayaw kasi nating paniwalaan na sandamakmak na “bobo” itong mga “abogado-de-kalembang” nitong Rappler at hindi nila alam ang probisyon na ito ng batas, hindi ba, dear readers?

At ngayong natalo nga ang kaso eh, baka mga “bobo” nga sila, hihihi!

***

Kung bakit hindi rin natin maintindihan na masyadong pinalalaki nitong Rappler, sampu ng mga nasa oposisyon, mga kakampi nilang mga komunista at mga padrino nila sa ‘Western media’ ang ‘conviction’ nitong si Maria ay dahil sa katotohanan na “bahagi” na ng buhay-media ang makasuhan ng libel, mapagbantaan at kung minamalas, ang mapatay.

Aber, dito lang sa aming publikasyon, mga kabayan, ilang beses na ba kaming nakaladkad sa kasong libel ng aking mga bosing?

Ang pagsasampa ng kaso sa media ng libel ay kasama sa ating demokrasya, isang pamamaraan upang ang mga “naargabyado” ng media ay magkaroon ng ‘redress of grievances.’

Ang biruan pa nga sa media, “hindi” ka pa ‘journo’ kung hindi ka pa nakakasuhan ng libel, ahahay!

Sa kaso pang ito, mistulang “nagpapakatanga” at ipinapakita pang sadyang mga arogante at walang paggalang sa mga batas at proseso itong mga “nalulungkot” sa desisyon ni Judge Estacio-Montesa, partikular na ang mga nagmamagaling na ‘Western media.’

Dangan pa kasi, sino mang normal at responsableng tao na nakabasa sa desisyon at alam ang ligal na proseso ng bansa at may paggalang dito, alam din natin na hindi naman “palalakihin” ang isyu dahil nga hindi pa naman tapos ang proseso ng hustisya!

Andyan pa kasi ang Court of Appeals at Korte Suprema.

Yun nga lang, kung may ‘hidden agenda’ talaga at sinasadyang “pasamain” sa labas ng bansa ang ating gobyerno, ang ginagawa ngayon ng Western media at mga lokal nilang papet na pagtatanggol kay Ressa ay hindi na nakapagtataka.

Dahil ‘yan naman talaga ang plano nila. Gawing “ogags” ang mga Pinoy upang muling magmistulang mga bulag na tagasunod ng mga pekeng “propeta,” katulad ng nangyari sa karamihan sa atin sa nakaraang higit 3 dekada.

Kaya nga magandang “paalala” sa lahat ng mga nasa media ang tinuran ni Judge Estacio-Montesa na binanggit natin sa unang bahagi ng pitak na ito.

Sa kasong ito ni Ressa at Santos, hindi kalayaan sa pamamahayag at pagsupil sa demokrasya ang isyu. Ang isyu ay simple lang: Huwag tayong maging mga iresponsable, period! ###

Leave A Reply