Banner Before Header

‘Don’t me!’ (Huwag ako!)— Sen. Bong Go

0 227
MULING idiniin ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang kanyang posisyon hinggil sa mga “pang-uurot” ng kanyang mga kapartido sa PDP-Laban at iba pang miron na tumakbong pangulo sa susunod na taon: ‘Don’t me! (Huwag na ako!).

Aber, kung hindi tayo nagkakamali, sapul na indorsohin siya ng PDP-Laban noong Agosto 5, 2021, bilang kandidatong pangulo ng partido, ka-tandem si Pang. Rody, may tatlong ‘press release’ na yata ang kanyang nailabas hinggil sa kanyang posisyon—na inulit pa rin niya noong isang linggo, matapos namang “pumayag” si Pang. Digong na maging bise-presidente sa kanya.

At dito tayo bumibilib kay SBG, dahil malinaw na hindi siya “nasisilaw” at “natutukso” sa dagdag na kapangyarihan.

Ipinapakita rin niya ang kanyang kababaang-loob dahil alam niya na sa ngayon, limitado pa ang kanyang kaalaman upang pamunuan ang bansa at batid din niya na may iba pang ‘more qualified’ sa kanya na tumakbong presidente.

Aber, kung sa ibang pulitiko yan, aba’y “sunggab” na agad sa pagkakataon!

At kung “nakikinig” naman sa kanya ang mga katulad ni Sen. Pacquiao, eh, dapat maging ‘lesson in humility’ sa kanya ang ipinakitang halimbawa ni SBG, tama ba, Manila mayor Isko Moreno?

Oops! Alam nating “mapagkumbaba” rin naman si Sen. Pacman. ‘Yun nga lang, mukhang “kulang” pa dahil nga kahit mas walang alam kumpara kay SBG sa usapin ng pamumuno at liderato, nagpipilit pa ring tumakbong presidente, hehehe!

Marahil, maganda rin munang magpakitang-gilas si Sen. Pacman kung pagtulong sa mga mahihirap at kapus-palad ang pag-uusapan.

Translation? “Asikasuhin” muna niya ang kanyang sariling probinsiya ng Sarangani na isa pa rin sa mga ‘poorest provinces’ sa bansa hanggang ngayon.

Mainam, kumbaga, na tingnan niya ang ginawa ni Antique congresswoman at ngayon ay magbabalik na senador, Loren Legarda.

Masdan, isang termino pa lang sa Kongreso si Rep. Loren pero, “ramdam na ramdam
ng mga taga-Antique ang “biyaya” mula sa kanya. At sakaling manalo ulit siyang senador, walang manghihinayang dahil ‘Antique’s loss would be the country’s gain,’ dahil na rin sa mga naipasang batas ni Sen. Loren na karamihan ay pinakikinabangan nating lahat ngayon.

Eh, nakailang termino ba si Pacman sa Kongreso? At ngayong senador na siya, ano na ba ang nagawa niyang ‘life-changing’ para sa mas maraming kababayan niya sa Sarangani? May naipasa na rin ba siyang batas na nakinabang ang mas maraming Pilipino?

Totoo, may sariling programang pabahay at ‘scholarship’ si Pacman pero sapat na ba ito para “ipagyabang” niya?

Samantala, ilang milyon na bang mga Pinoy ang natulungan ng ‘Malasakit Center Law’ ni SBG, aber? Pero hindi niya ito ipinagyayabang, sa totoo lang.

‘The road to perdition is paved with good intention,’ isang kasabihan na alam nating palagi ring nasa isip ni SBG. Mainam kung isapuso rin ito at “pagnilayin” ng iba pang mga pulitiko dahil ‘it would be good for them and to the country.’ Peksman!

Leave A Reply