Banner Before Header

‘Vote buying,’ aarangkada na naman

0 165
DALAWANG linggo na lang ay maghahain na naman ang mga kandidato ng kanilang ‘Certificate of Candidacy’ (COC) para sa eleksyon, sa susunod na taon, 2022.

Malalaman na natin ang mga kakandidato mula sa pagkapangulo hanggang sa pagka-konsehal ng mga bayan at mga siyudad.

Siguradong aarangkada na naman ang pamimili ng boto o ‘vote-buying.’

Sa tingin ng marami, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi mawala ang korapsyon sa gobyerno.

Kapag nanalo ang isang kandidato na namili ng boto, siyempre babawiin niya ang kanyang ginastos

Mag-iisip ‘yan ng lahat ng paraan para mabawi niya ang kanyang ginastos sa eleksyon.

Siya at kanyang mga katiwaldas na lang ang makaaalam kung paano nila babawiin ang perang ipinambili ng boto.

Isa pa, dito kasi sa atin ay mahirap mapatunayan na namili ng boto ang isang kandidato.

Walang aamin, sa batas natin, parehong mapaparusahan ang vote seller at vote buyer.

Dahil mahirap mapatunayan, tuloy ang vote buying sa bansa.

Saklap naman!

***

Maraming namamatay dahil sa COVID-l9 pero mas marami naman ang gumagaling.

Isa lang ang ibig sabihin nito.

Mayrong kakayanan ang ating mga doktor na pagalingin ang may COVID-l9.

Ito ay sa kabila ng kakulangan ng manpower at gamot sa sakit na pumatay na ng maraming tao sa buong mundo, kasama na ang Pilipinas.

Ang kailangan lang siguro ay paigtingin pa ng gobyerno ang ‘information dissemination campaign’ kung paano ang gagawin ng sinoman na may COVID-l9.

Paigtingin pa rin ang kampanya para himukin ang publiko na magpa-bakuna at sumunod sa mga safety at health protocol.

Ang mahalaga pa ay siguraduhing may mga gamot at bitamina sa mga barangay at municipal health centers upang maging malakas ang katawan ng mamamayan.

Walang palakasan sa pagkuha ng mga gamot na ipinamimigay ng gobyerno.

Kung minsan ay napupulitika pa ang pamimigay ng mga libreng gamot, lalo na  sa mga barangay at probinsiya.

Dahil may pandemya, sana matigil na ang palakasan sa gobyerno.

***

Kapuri-puri ang ginagawa ng mga taga-port of Subic sa Zambales.

Hindi lang nila pinagbubuti ang kanilang serbisyo sa mga port user.

Dahil may pandemya, namigay sila ng libreng face shield sa mga port user.

Hindi lang yan, namigay din sila ng libreng face shield sa mga public at private hospital at mga lokal na opisyal ng Olongapo City.

Ang port of Subic ay pinamumunuan ni District Collector Maritess Martin.

Kamakailan ay nagpadala din si Martin ng 2,000 face shield sa tanggapan ni BoC Chief Rey Guerrero sa Maynila.

Ito’y upang may magamit ang mga frontliner sa main office ng BoC.

Pinasalamatan naman ni Martin ang SSM Ahmed Trading at personnel ng port sa donasyon nila para sa kampanya laban sa Covid-l9.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply