Banner Before Header

‘Di pa tayo tapos!’— Gadon sa ex-PITC exec

0 471
WALANG balak si Atty. Larry Gadon na tigilan na ang paghahabol kay Philippine International Trading Corporation (PITC) president at Department of Trade and Industry (DTI) undersecretary, Dave Almarinez, na kamakailan ay inalis na ng Malakanyang sa puwesto.

Ayon kay Gadon, hindi dahilan ang pagkasibak ni Almarinez upang mabalewala ang mga kasong katiwalian na isinampa niya laban sa mister ng aktres na si Ara Mina sa tanggapan ng Ombudsman noong Hunyo 7, 2021.

Sa inilabas na ‘Department Order’ (DO) 21-69 na may petsang Setyembre 13, 2021 at may lagda ni DTI Secretary Ramon M. Lopez, pinalitan na si Almarinez bilang presidente at ‘chief executive officer’ (CEO) ng PITC ni Christabelle P. Ebriega, epektibo noong Setyembre 16, 2021.

Si Ebriega ang PITC vice president, Government Procurement Group, bago lumabas ang utos ng kalihim.

Sa pahayag naman sa media, idiniin ni Gadon na hindi pa rin lusot sa pananagutan si Almarinez sa mga kasong naisampa na niya sa Ombudsman.

Kopya ng DTI Department Order 21-69 na nagtanggal kay Dave Almarinez bilang ‘President/CEO’ ng Phil. International Trading Corporation (PITC).

“Almarinez resigned from his post as president of PITC.

“This does not absolve him from criminal liability over several charges of graft and corruption stated in my complaint in fhe Ombudsman on June 7, 2021.

“It must be noted that the acts committed were already consummated and thus his resignation does not absolve him from criminal liability.

“I will pursue the case despite his removal from post which I learned from reliable sources was a forced resignation,” paliwanag pa ni Gadon.

Bukod kay Gadon, una na ring kinumpirma sa Pinoy Exposé ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chair, Greco Belgica, na may inilunsad na rin silang bukod na imbestigasyon hinggil sa mga reklamo ng katiwalian kay Almarinez.

Batay naman sa reklamo ni Gadon sa Ombudsman, inakusahan si Almarinez ng “malversation of public funds,” “illegal use of public funds,” entering into prohibited transactions,” “swindling” at “corruption” (Pinoy Exposé Volume 2, Issue No. 24).

Ang reklamo ni Gadon ay batay naman sa ‘audit report’ sa PITC ng Commission on Audit (COA), hinggil sa mga naging transaksyon ng nasabing ‘GOCC’ (government-owned and controlled corporation) sa ilalim ni Almarinez partikular sa taong 2019.

Ang PITC ay nilikha ni Pang. Ferdinand Marcos noong 1973 sa bisa ng PD 252 upang pamahalaan ang pagbili ng mga kagamitan at iba pang mga pangangailangan ng iba pang mga ahensiya ng gobyerno. Ang PITC ay nasa ilalim ng National Development Company (NDC) na nasa superbisyon naman ng DTI.

Inirereklamo rin ni Gadon ang aniya’y “napakaluhong kasal” ni Almarinez sa aktres na si Ara Mina noong Hunyo 30, 2021, kung saan milyones umano ang ginastos ng sinibak na opisyal (Pinoy Exposé Volume 2, Issue No. 29).

“Naghihirap ang ating mga kababayan, pagkatapos napakaluho ng kanilang kasal at parang ipinagmamalaki pa,” banggit pa ni Gadon sa Pinoy Exposé.

Leave A Reply