KUNG ngayon gaganapin ang halalan, sigurado, ayon sa resulta ng PinaSurvey of DigiVoice na ginawa mula Setyembre 8-13, numero uno na sa balota si Yorme Isko Moreno bilang kandidatong pangulo.
Sa 1,000 respondents na may margin of error na 3 porsiyento, si Yorme Isko, former senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara ‘Inday’ Duterte-Carpio ang “magkakadikit” sa puwestong una, ikalawa at ikatlong puwesto.
Sa survey ng Pulse Asia (Set. 6-11) na may 1,500 respondents, iyon din ang resulta, dikitan ang labanan nilang tatlo at malayong-malayo sa iba pang nag-anunsiyo na tatakbong Presidente sa Mayo 2022.
Ayon naman sa mga tinanong ng DigiVoice, gusto ng karamihan si Yorme, kasunod sina Sara, Bongbong; ang iba tulad nina Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao at VP Leni Robredo ay malamang kumain ng alikabok.
***
Naniniwala tayo na totoo ang resulta ng dalawang survey. Samantala, sariwang-sariwa pa ang balita na nagbuo ng grupong ‘Lawyers for Yorme Isko.’
Sabi ng grupong ito, nasa kamay ni Yorme Isko ang katuparan ng hinahangad nating ‘national survival’ ng Pilipinas.
Para sa Lawyers for Yorme Isko, siya lamang ang lider na may kakayahang magawa ito.
“Your rising up from the dust of poverty is inspirational, the development that you undertook in the City of Manila is truly admirable and your youth, vigor, dynamism and love for our country is definitely profound,” sabi pa ng grupo.
Sabi ng spox nila na si Atty. Noel Valerio at lead convenor Atty. Pearlito “Pearl” Campanilla, ‘pro bono’ o libreng serbisyo ang iniaalok nila kay Isko.
Handa sila na maging bahagi ng legal team ng alkalde, kung kailangan at handa silang magbigay ng libreng serbisyo sa legal research, paggawa ng mga legal na dokumento at tumulong ng higit pa sa kanilang kakayahan, ito ay upang maipagtagumpay ang kampanya ni Yorme Isko sa darating na eleksyon.
Di lang ito, sabi nina Atty. Valerio at Atty. Campanilla, lahat ay kaya nilang gawin dahil handa sila na ipagtanggol si Yorme sa mga tao o grupong nais na wasakin, dumihan ang malinis niyang pangalan.
“(W)e are ready to safeguard and protect your good name and honor by enforcing the Cybercrime Prevention Law,” sabi sa sulat nila kay Yorme at any time, handa silang makipag-usap kay Yorme Isko.
Bravo, salamat sa inyong suporta, Atty. Valerio at Atty. Campanilla.
***
Nakatutuwa ang development na ito, kasi lalong lumalakas ang suporta kay Yorme Isko at alam ba ninuyo na mga “kapwa alumni” ni Pang Digong sa San Beda College of Law ang unang humikayat kay Yorme na tumakbong Pangulo?
Sabi ng Convenor of Bedan Lawyers for Isko, nakabibilib ang track record ng alkalde, na kung siya ang magiging Pangulo, ” (Isko) can completely address the nation’s woes.”
Mas gusto ng Bedan lawyers eh, isang “Healing President” at hindi isang Pangulo na kilala sa paggawa ng “epic crime of the century,” ayon kina Atty. Valerio at Atty. Campanilla ng Lawyers for Yorme Isko.
Mas nakaakit sa Bedan Lawyers ay ang nais ng alkalde ng maging “healing President,” na sabi nila, iyon ang kailangan ng bansa upang mapagaling mula sa virus ng korapsiyon, pagkamuhi at pagkawatak-watak.”
Magandang huwaran ang buhay ni Isko na mula sa kahirapan, nagawang maiangat ang sarili at ito ang inspirasyong magdadala ng bagong pag-asa, tunay na pagbabago sa bansa, sabi ng Convenor.
Una rito, binigyan ng San Beda University ng honorary doctor of laws si Yorme Isko noong Disyembre 12, 2020 Commencement Exercises. Ito ay dahil sa nakitang mahusay na pamamahala ng alkalde sa siyudad ng Maynila.
Kung bilib ang mga Bedans kay Yorme Isko, lalo na po ang maraming Manilenyo at ang dumarami pang Pilipino.
***
Ay, eto pa ang isang malakas na suporta ng grupong ISKOLARS na pinangungunahan ng 8 abogado at maraming paralegal.
Sabi nila, nagpakita at patuloy na nagpapakita si Yorme Isko ng kahusayan sa pamumuno, malakas na karisma na hihikayat sa maraming Pilipino upang matupad ang matagal nang pinapangarap na pagbabago.
“He (Isko) has exemplified that quality public service is a passion as can be gleaned from his long and fruitful years in office,” sabi ng ISKOLARS na binubuo nina Atty. Aristotle O. Valera, Atty. Kristine S. Balmes, Atty. Ana Cecilia Bautista, Atty. Cesar A. Aggalot, Atty. Eliodoro N. Caluya, Atty. Edione Quinones, Atty. Sharima Rescar at Atty. Glirm Brean Eran.
Isang inspirasyon si Yorme at siya ang dapat na tularan ng maraming kabataan, sabi ng ISKOLARS.
Para sa kanila, si Yorme Isko ang tatayong tunay na Tinig ng Mahihirap at magagawa ng alkalde ng Maynila kung siya na ang Pangulo na makakayang maibigay ang ginhawa sa pinakamababang antas ng buhay, lalo na ang mahihirap na mamamayang Pilipino.
“Only then can we achieve genuine inclusive reform aimed at bettering the lives of our countrymen,” sabi ng ISKOLARS.
O, ano, tayo na, samahan na natin si Yorme Isko, ipalaot natin sa bagong pag-asa at pag-angat ang “Isang Bangka, Isang Bansa” ni Yorme Isko!
Pilipinas, God First!
(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).