Banner Before Header

‘Marcos’ pa rin sa 2022

0 208
SA ginanap na ‘Meet the Press/Report to the Nation’ media forum ng National Press Club noong Biyernes, Nobyembre 19, 2021, muli nating panauhin si veteran political analyst, Prof. Mon Casiple.

At kasama sa naging diskusyon ay ang “nakabitin” pa rin na petisyon para sa diskwalipikasyon ni Sen. Bongbong ‘BBM’ Marcos, sa pamamagitan ng kaselasyon ng kanyang ‘COC’ (certificate of candidacy) bilang pangulo.

Sang-ayon tayo sa obserbasyon ni Prof. Casiple na bagaman malakas ang panawagan upang “madaliin” ng Comelec ang pagresolba sa isyu, puwede pa itong magtagal at umabot pa nga sa panahon ng kampanya—o sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 9.

Pansinin na sa isyu ng ‘Filipino citizenship’ ni Sen. Grace Poe noong 2010 na muling binuhay noong 2016, buwan na ng Setyembre—September 20, 2016—kung kailan tapos na ang halalan (buwan ng Mayo), nang madesisyunan at tuldukan ito ng Korte Suprema pabor sa “anak” ni ‘FPJ.’

Sa kasalukuyan, patuloy na “lamang” si BBM sa mga ‘pre-poll surveys.’ Lalo pa ngang lumakas ang kanyang kandidatura matapos magdesisyon si Davao City mayor Sara Duterte na tumakbo bilang kanyang bise-presidente.

Kaya naman, “hilong-talilong” na ang mga kalaban ni BBM kung paano pipigilan at bibiguin ang kanyang kandidatura.

At sa prosesong ligal, ang kanilang “tanging pag-asa” ay ang petisyon sa Comelec.

Hindi na natin kailangan pang “ataduhin” dito ang mga argumento pabor o kontra sa nasabing petisyon na ang mga reklamador ay mga grupong komunista na ginawa nang krusada ang pagkondena sa pamilya Marcos sa nakaraang higit 4 na dekada—kahit noong kasagsagan pa ng batas militar.

Mas mainam sigurong pag-usapan ang ipinunto ni Prof. Casiple, batay na rin sa regulasyon ng batas at ng Comelec na “puwede” pa ring ‘Marcos’ ang manalo sa halalan—bagaman hindi na ito si BBM.

Ang tinutukoy natin ay ang sinasabi ng batas na sakaling makansela (ma-disquliafy) si BBM, puwedeng ipalit sa kanya bilang kandidato, ang kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos!

Sapat nang gawing nominado ng partido ni BBM, ang Partido Federal ng Plipinas (PFP) si Sen. Imee bilang kapalit ng kanyang kapatid.

Take note: ang ganitong posibilidad ay hindi labag sa batas, hane? Pinapayagan ng batas ang pagpapalit ng kandidato na “kapangalan” o “kaapelyido” ng isang na-disqualified (o namatay) na kandidato.

Translation? Sa mga “nangangarap” at naghahangad na “makanal” ang kanidatura ni BBM, eh, ‘esep-esep’ muna, mga bosing!

Baka kasi “maligwak” ang inyong kampanya na matanggal si Bongbong Marcos bilang kandidatong pangulo dahil ang papalit sa kanya, si Sen. Imee Marcos!

Eh, “ngalngal” na naman kayong lahat, hehe!

Translation ulit? Bakit hindi na lang natin pabayaan si BBM na makatakbong presidente—at hayaan na lang din natin na mga Pinoy ang magpasya kung “sino” ang gusto nilang maging susunod na pangulo.

Sa Ingles? ‘Be careful what you wish for, you might just get it,’ hehehe!

Abangan!

Leave A Reply