Banner Before Header

Dagok sa mga ismagler!

0 192
PATULOY na napagtatagumpayan ng BoC at BIR ang laban sa “oil smuggling” sa bansa.

Nakikita ito sa patuloy na paglobo ng nakokolektang import duties at excise taxes mula sa oil products.

Mula Septembre 20l9 hanggang Nobyembre 25, 202l ay umabot na pala sa P324.5 bilyon ang import duties at excise taxes mula sa mga produktong petrolyo

Sa nasabing halaga, P294.6 bilyon ang koleksyon ng Bureau of Customs.

Ang koleksyon naman ng Bureau of internal Revenue ay umabot ng P29.8 bilyon.

Ang tanging sandata ng gobyerno laban sa ismagling ng mga produktong petrolyo ay ang “fuel marking program” (FMP).

Ang programa ay nagsimulang ipatupad mula noong Nobyembre 20l9.

Sa ilalim ng programa ay may kemikal na ine-inject sa mga produktong petrolyo.

Ang kemikal ay nagpapatunay na ang produkto ay ipinagbayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Ang mga produktong walang marka ay itinuturing na puslit at kinukumpiska ng gobyerno.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na umabot na ng 32.9 bilyong litro ang namarkahan ng gobyerno mula nang ipatupad ang programa noong 20l9.

Ang mga diesel, gasolina at petrolyo ay minamarkahan ng kemikal sa mga import terminal, refinery facility at retail gas station sa buong bansa.

Ang programa ay itinakda sa ilalim ng tax reform for acceleration and inclusion (TRAIN) Law.

Ayon sa record, bago ipatupad ang programa ay nawawalan ang goyerno taun-taon ng mula P27 bilyon hanggang P44 bilyon dahil sa ismagling.

Dalawampu’t limang kompanya ng langis at ang nag-iisang oil refinery ng bansa ang kasama sa programa.

Ang mga kompanyang may pinakamaraming produkto na namamarkahan ay ang Petron, Shell, Unioil, Insular Oil, Seaoil, Phoenix, Chevron at Filoil.

Ang Petron naman ang nag-ooperate sa nag-iisang oil refinery sa Pilipinas.

Dagok sa mga ismagler ang pagpapatupad ng fuel marking program.

Ang kailangan lang ay laging alerto ang BoC at BIR.

Kung maari nga ay magdagdag ng tao para mapabilis ang pag-inject ng kemikal sa mga produktong petrolyo.

Walang kawala ang mga ismagler.

****

Dalawang linggo na lang ay magsisimula na ang “Simbang Gabi” sa mga simbahan ng mga Katoliko at iba pang relihiyon.

Sana lang huwag nang makapasok sa bansa ang Omicron, ang bagong tuklas na COVID-l9 variant.

Sakali mang makapasok, sana naman ay mag-doble ingat ang mga kababayan natin upang maiwasan ang malawakang hawahan.

Mabuti na lang, marami na ring bakunado sa atin.

Hndi kagaya na dati, marami na nais magpabakuna laban sa nakakatakot na virus.

Ang problema lang ay may mga lugar na kulang ang bakuna at syringe o karayom.

Kailangan nating mapaigting pa ang pagbabakuna para ma-enjoy natin ang holiday season.

Pero, sumunod pa rin sa mga minimum health protocol.

Laging magsuot ng maskara, maghugas ng kamay at huwag magkumpulan.

Kung maari lang ay iwasan natin ang inuman.

Kaunting tiis na lang at malalampasan na natin ang krisis na ito.

Huwag na tayong laging pasaway at pilosopo.

Hndi birong perhuwisyo ang dulot ng pandemyang ito!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 0377083/email: tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply