Banner Before Header

‘Boom economy’ sa 2022, sabi ni Isko

0 290
ANG pangamba ng maraming botante, madalas kaysa hindi, yung magagandang programa at proyekto ng pinalitang administrasyon, hindi na itinutuloy ng pumapalit na bagong gobyerno.

Alam natin na may magagandang proyekto, tulad ng paggawa ng kalsada, tulay, at mga katulad na proyektong para sa ginhawa at makatutulong sa tao at bansa ay itinitigil, at uso ang demandahan, gantihan.

Sa mga post sa social media, ang mga tanong, bakit daw hindi ituloy, at ipinahinto ng nakaraang administrasyon ang okay namang programa ng pinalitang pangulo?

D’yan maiiba ang gobyernong Isko Moreno kung si Yorme Isko ang papalit sa administrasyong Duterte, at ito nga ang trending ngayon, lalo at laging “Top Choice” ang pambato ng Aksyon Demokratiko sa eleksyon sa Mayo 2022.

Sa “Listening Tour” ni Yorme sa Cebu at sa iba pang lokalidad sa Central Visayas, marami ang nagulat – at humanga – kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Pangako niya, gagawin niyang bagong economic center ang rehiyong Visayas, at gagawin niya ang mabilis na pagbabago roon, tulad nangyari sa Maynila, na alam ng lahat, sa loob lamang ng mahigit na dalawang taon, naibalik ang sigla at ningning ng lungsod.

Ano ang pangako ni Yorme Isko sa mga kababayang Bisaya? ‘Yung magandang programang “Build, Build, Build” ng kasalukuyang administrasyon ay itutuloy niya!

Bukod sa nakabibigay ng maraming trabaho at oportunidad sa maramin na magkahanapbuhay, nakita ni Yorme Isko na ang maraming infrastructure projects ay magbubunga ng napakabilis na pag-usbong at paglago ng ekonomya sa maraming lugar sa bansa.

Ano ang sabi niya, hindi lang mga katulad ng Build-Build-Build program ng nakaupong gobyerno ang gagawin niya sa Cenrtal Visayas, yung sobrang kita sa internal revenue allotment (IRA) na bunga ng Mandanas ruling ng Supreme Court ay ibababa niya sa local govrnment units (LGUS).

Maglalabas din aniya ng utos na ang pera ng gobyerno ay itustos sa tulong sa pagpaparami ng industriya, pabrika, at tulong na maayos na pautang na mababa ang interes sa mga magsasaka, mangingisda at maliliit na kinikita ng pamilyang Pilipino para makatawid at makabangon sa perwisyong gawa ng pandemyang COVID-19.

Basta maganda ang programa itutuloy niya at lalo pang daramihan, sabi ni Yorme, kung siya na si Presidente Moreno sa Mayo 2022.

Sabi niya pag merong bagong, tulay, highway, airport, sea port, at MRT, siguradong nandyan ang maraming trabaho at maraming oportunidad para mas kumita ang tao.

Pag may tulong sa magbubukid at mangingisda, may sapat na pagkain, sigurado pa ang suplay, may food security ang pamilyang Pilipino.

Kung may mga bagong infra projects na maipatatayo, madadala nang mabilis ang produksyon mula sa liblib na nayon, madadala sa sentro ng negosyo sa murang halaga at sariwa pa.

Yun ang programa niya na nakapaloob sa “Buhay at Kabuhayan” ng gobyernong Isko Moreno.

Nakita kasi ni Yorme Isko nang kasama niya ang magkakapatid na Garcia ng Cebu ang maraming programa ng Build, Build, Build noong dumalaw siya roon ng nakaraang linggo.

Binisita nila ang Cebu-Cordova Bridge na pinakamahabang tulay sa bansa na ginastusan ng P30 bilyon at mabubuksan na sa publiko sa Marso 2022.

Mas mahaba ito sa San Juanico Bridge sa Eastern Visayas na 2.15 kilometro lang; ang Cebu-Cordova Bridge, sa habang 8.98 kilometro, ay aabot sa isla ng Mactan tagos sa bayan ng Cordova patungong mainland Cebu.

Hindi lang tulay, kalsada ang itatayo niya, mass housing, modernong ospital, modernong public schools, mahusay na medical service program sa bawat Pilipino ang uunahin sabi ni Yorme Isko.

Hindi lang Build, Build, Build program ang itatayo niya sa Central Visayas sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP), kungdi pati ang micro, small, medium enterprises (MSMEs) ay popondohan niya ng maayos na pautang ng gobyerno nang hindi lamang multi-national companies ang makikinabang sa uumpisahan niyang “boom economy.”

Mahalaga para kay Isko ang partisipasyon ng pribadong sektor sa pagbangon ng ekonomiya at sa kapayapaan sa isip ng karaniwang Pilipino sa problema sa pagkain, bahay, edukasyon at kalusugan.

Isang bagong bansa ang nasa isip niya, isang nagkakaisang bayan na kapit-bisig, buong-buo at matatag na Pilipinas.

Kaya nga ang sabi ni Yorme Isko sa mga tagaroon sa Central Visayas at sa iba pang lugar na bibisitahin ng kanyang Listening Tour, samahan siya sa paglikha ng mapayapa, masaganang Pilipinas sa 2022.

(Para sa inyong mga suhestiyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

Leave A Reply