KATULAD nang inaasahan, walang kahirap-hirap na naabot ng Bureau of Customs (BoC) ang kanilang 202l tax collection target.
Hndi lang naabot ang target kundi nalampasan pa ito ng 4.7 porsiyento.
Umabot sa tumataginting na P645.8 bilyon ang nakolektang buwis at taripa ng l7 ports sa buong bansa. Ang 202l target collection lang ng BoC, na pinamumunuan ni Comm. Rey Leonardo Guerrero, ay P6l6.8 bilyon.
Labin-tatlo sa l7 collection districts ang nagawang lampasan ang kani-kanilang assigned tax take.
Ito ay sa kabila ng mga problemang dulot pa rin ng magdadalawang taon ng pandemya.
Ang 202l collection ay lampas pa sa pre-pandemic tax take na P630.3 bilyon noong 20l9.
Dahil sa mga lockdown at iba pang restriction ay umabot lang ng P537.7 bilyon ang revenue collection ng ahensya noong 2020.
Noong mga unang buwan ng lockdown sa bansa ay paralisado ang ekonomiya dahil halos walang galawan ang mga tao.
Kalaunan ay unti-unting binuksan ang ekonomiya dahil sa pagdating ng maraming bakuna na donasyon at binili ng gobyerno.
Dahil sa takot sa Covid-l9 ay marami na ang gustong magpa-bakuna laban sa nakamamatay na sakit.
Inaasahan ngang makakamit ng bansa ang tinatawag na “herd immunity” sa mga unang buwan ng 2022.
Kahit na dumarami na naman ang nagkakasakit ng Covid-l9 dahil sa pagsulpot ng Omicron variant, marami ang umaasa na patuloy na makakamit ng BoC ang collection target sa taong ito.
Ang BoC ay inatasan ng Development Budget Coordination Council (DBCC) para mangolekta ng P67l.l bilyon ngayong taon.
Ayon kay Commissioner Guerrero, ang target ay kayang makamit ng ahensya.
Sinabi naman ni BoC Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na “achievable” ang target collection.
Ang problema lang ay hanggang Hunyo 30 na lang ang panunungkulan ni Pangulong Duterte,
Siyempre pag-upo ng bagong pangulo sa tanghaling tapat ng Hunyo 30 ay baka maglagay kaagad ng bagong BoC Chief.
Ito ang pinaghahandaan ngayon ng mga taga-BoC.
Ang gusto nila ay ibuhos muna ang atensyon sa pangongolekta ng buwis at sa paglaban sa Covid-l9.
***
Saludo tayo sa mga kakandidato sa May 9 election na stop muna ang mga partisan political activity.
Ito’y kaugnay nang biglang pagsirit ng kaso ng Covid-19 na pinaniniwalaang sanhi ng bagong Omicron Variant.
Inanunsiyo ng tambalan nina dating Senador Bombong Marcos at Mayor Inday Sara na pansantalang isasara mula Enero 3 hanggang Enero 15 ang kanilang mga headquarter.
Tigil muna ang kanilang mga aktibidad at pag-iikot sa buong bansa.
Ito’y magbibigay daan na rin upang ma-disinfect ang kanilang mga HQ matapos magpositibo ang halos 20 staff ng Uniteam.
Pero kahit na sarado ang kanilang mga HQ, patuloy naman sina BBM at Inday Sara sa pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Alam naman natin na malaking pinasala sa buhay at kabunayan ang inabot ng ating mga kababayan dulot ng hagupit ni Odette.
Si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso naman ay stop din muna ang kanyang “listening tour.”
Naglilibot kasi si Mayor Isko para malaman ang opinyon ng taumbayan tungkol sa mga mahahalagang isyu ngayon.
Pero dahil sa panibagong banta ng Covid-l9 ay nag-desisyon si Yorme na pagtuunan muna ng pansin ang tumataas na kaso ng salot na sakit.
Abala siya ngayon sa pag-aasikaso sa problema ng mga Manilenyo. Welcome din sa Maynila ang mga taga-ibang lugar na nangangailangan ng gamot laban sa Covid-19.
Naniniwala tayo na sa gabay at tulong ng mga matitinong lingkod-bayan at tulong ng Panginoong Hesus ay malalampasan natin ang mga pagsubok sa atin.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)