Banner Before Header

Chel, Guilor, Raffy, JV, Matitino at Maasahan

0 214
KAILANGAN na maging mapanuri na ang ating mga botante sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.

Kilatisin na nating mabuti ang mga dapat nating iboto.

Kung dati, hirap manalo ang isang kandidato dahil sa kakulangan ng pera at suporta mula sa malalaking partido, ipakita natin  na kaya nating ipanalo ang mga matitino at mahuhusay sa kanila.

Katulad na lang ng mga tumatakbo sa pagka-senador.

Ilan sa kanila ang kilalang tapat at handang itaya ang kanilang buhay para sa bayan at taumbayan.

Nandiyan sina human rights lawyer Dean Chel Diokno; dating PNP Chief Guilor Eleazar, Action Man Raffy Tulfo, at dating Senador JV Ejecito.

Tigilan na natin ang pagpili sa mga “Trapo” na wala namang nagawa kundi bolahin at pagsamatalahan ang taumbayan kapag nanalo.

Masyado nang nabaon sa utang at kahirapan ang bansa.

Kaya sa muling pagkakataon natin pumili ng mga lider ngayong Mayo, huwag na natin itong sayangin.

Kailangan natin ang mga lider na matitino para mapabilis ang muli nating pagbangon mula sa pagkakalalugmok dahil sa pandemya.

Tama ba kami, Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan?

***

Tuloy na tuloy na ang eleksyon sa Mayo 9.

Kaya naman saludo tayo sa Commission on Eections.

Hindi nagpasindak ang Comelec sa dami ng balakid, kasama na ang Covid-l9, na ginawan nila ng paraan para lang matuloy ang eleksyon.

Batid ng mga taga-Comelec kung gaano kahalaga ang halalan sa mga Pinoy.

Higit pa nga at ang parating na halalan ay isang presidential election.

Kailangan talagang matuloy ang halalan dahil magpapalit ng presidente at bise presidente.

Hindi katanggap-tanggap sa mga kababayan natin ang extension ng term of office ng mga nakaupong lingkod-bayan.

Sa katunayan, kaya ayaw ng taumbayan na baguhin ang ating Saligang Batas dahil sa pangambang gamitin ito upang palawigin ng mga nakaupong opisyal ang kanilang panunungkulan.

Natutuwa ang taumbayan dahil sinimulan na ng Comelec ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin sa eleksyon.

Ika nga, “the show must go on.”

Kudos, Comelec Chairman Sheriff Abas.

***

Muling ipinadama ng Diyos na walang magagawa ang tao kung ang isang bagay ay kagustuhan ng Poong Lumikha.

Bago ang Pasko at Bagong Taon ay masaya ang lahat.

Kakaunti na kasi ang naitatalang kaso ng Covid-l9 sa bansa, kasama na ang Metro Manila.

Pero naglaho lahat ng ating mga pangarap nang lumobo muli ang mga bagong kaso ng Covid-l9 pagkatapos ng holidays.

Kung anu-anong restrictions tuloy ang ipinag-utos ng pamahalaan.

Bawal nang sumakay sa mga pampublikong sasakyan ang mga hindi bakunadong tao.

Subalit puwede namang lumabas ang mga hindi-bakunado basta mahalaga ang lakad, gaya ng pagbili ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng pamilya.

Kagaya ng lagi nating sinasabi, kailangan talagang makatuklas ng gamot laban sa Covid-l9.

Magandang balita kung mauunpisahan kaagad ang paggawa dito sa bansa ng Monupiravir, gamot para sa may mga mild to moderate na infection ng Covid 19.

Ito ang paraan para labanan ang virus.

Nakita naman natin na kahit mga fully-vaccinated ay nagkakasakit ng Covid-l9.

Iyon nga lang, kapag bakunado ay parang “mild” lang ang tama.

Kaya sana madaliin na ang produksyon ng Molnupiravir. Masyadong nagsasamantala ang mga nagbebenta sa black market. Kung ang tunay na halaga ng gamot ay P1,500-P2,000 lang, inaabot ito ng 6k-12k sa black market.

Kaya mabuti kung sa mga botika na natin ito mabibili.

Matitigil na ang pagsasamantala ng mga tusong negosyante.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:

tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply