Banner Before Header

Angkas sa motor, malapit nang payagan–Roque

0 547

By Franco Deocaris

MANILA – Malapit nang payagan ang pagsasakay sa mga motorsiklo sa sandaling makapagtakda na ng guidelines ang National Task Force (NTF) on COVID-19 responde, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa kanyang pagsasalita sa Laging Handa briefing sa state-run TV, sinabi ni Roque na ang transport, science and technology, at health departments, kasama ang Metropolitan Manila Development Authority at Bureau of Philippine Standards ng Department of Trade and Industry, ay inatasang magpulong upang magkasa ng mas maayos na paraan kung paano maiiwasan ang virus transmission sa pagitan ng driver at pasahero sa motorsiklo.

Ito ay dahil limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan hanggang hindi binabawasan ang quarantine restrictions.

Ang mga motorsiklo ay popular sa Filipino working class dahil na rin sa mas tipid ito sa gasolina at mabisang gamitin kapag traffic.

“So malapit na po ang backriding pero kinakailangan ang NTF po ang mag-issue ng nga guidelines,” ani Roque.

“Pinapayagan na in principle ang backriding upon the approval of the requirements na ise-set ng technical working group. Antay-antay na lang po muna at baka puwede nang mapayagan ang backriding,” dagdag niya.

Leave A Reply