TAMA si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na magtiwala sa mga local chief executives kung saan at paano gagastusin ang extra money na makukuha mula sa Mandanas landmark decision ng Supreme Court.
Sa Mandanas ruling na nagmula sa petisyon nina Batangas Gov. Hermilando Mandanas at dating Bataan Gov. Enrique Garcia Jr., sinabi ng SC na mula sa 40 porsiyento, magiging 60 porsiyento na ang makakaparte ng LGUs sa lahat ng buwis na makokolekta ng gobyerno, hindi lang ‘yung koleksiyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BoC).
‘Yun ang tinatawag na internal revenue allotment (IRA) na puwedeng gastusin ng LGUs sa lahat ng serbisyo para sa mamamayan, patrabaho, pabahay, education, infra projects, suporta sa agriculture at fisheries at iba pa.
Mula sa IRA, magagaya ng mga mayor at governor ang ginawa ni Yorme Isko sa Maynila na modernong pabahay, pagtatayo ng city o provincial hospital, mga paaralan at iba pang serbisyo sa kani-kanilang mamamayan.
Direksiyon, tuntunin lang ang ibibigay ni ‘President Isko Moreno’ sa LGUs kung paano gagastusin ang extra money ng IRA at ang magiging resulta, uunlad ang lahat ng rehiyon at probinsya sa ating bansa.
***
‘Andun tayo sa Batangas sa kampanya ng Team Isko-Doc Willie at talagang nakaka-inspire, feeling ko, parang nanalo na ang Aksyon Demokratiko sa napakainit na pagtanggap sa kanila ng mga Batagueno.
Nakita ko rin ito sa ilang araw na tao-sa-tao, personal na pakikipagmiting ni Yorme Isko at ni Doc Willie sa kanilang kampanya sa Visayas at Mindanao, ay hahanga at mapapaiyak ka sa tuwa kung paano yakapin, tanggapin at ipagsigawan ng mga tao ang ‘Our new President Isko,’ ‘Yorme Presidente Moreno!’
Mas nakakaantig ang mensahe ni former Senator Ralph Recto na tumalab nang husto sa mga Batangueno sa mga dahilan bakit si Yorme Isko, si Doc Willie at mga senatorial candidates Samira Gutoc, Dr. Carl Balita, Jopet Sison at John Castriciones ang dapat ipanalo sa eleksiyon sa Mayo 9, 2022.
Batambata, 47-years-old lang si Yorme Isko pero ang dami na niyang naipaglingkod at napatunayan na siya nga ang dapat na ipanalong pangulo.
Sabi ni Sen. Recto na pinuno ng One Batangas na dominanteng local political party sa Batangas, naipakita ni Isko ang mabilis na aksiyon laban sa pandemya.
“Sino ang nagpagawa sa pinakamalaking COVID-19 field hospital sa buong Pilipinas? Si Isko lamang.
“Sino ang nag-imbak ng gamot para pag ikaw ay tinamaan ng COVID dyan mabubuhay ka? At ito ay ginawa hindi lang para sa Maynila pero para sa buong Pilipinas.
“Kahit saan ka manggaling, tutulungan ka ni Mayor Isko Moreno” sabi ni Sen. Recto.
Pagmamalaki pa ng makisig na senador ng Batangas, sa loob lamang ng mahigit dalawang taon, “sino sa mga kandidato ang nagpagawa ng pinakamaraming testing facilities para sa COVID? … si Isko lamang.
“Sino ang nagpakain ng daang libong pamilya, nagbigay ng ayuda para lahat makakain sa Lungsod ng Maynila? Si Isko lamang.”
Oops! hindi pa tapos si Recto sa pagsasabi ng ‘bilis-kilos’ na ginawa ni Yorme sa Maynila – na tuwing babanggitin, nagsisigaw sa tuwa ang mahigit na 65,000 taong umatend sa rally sa Lipa City.
Ipinalinis ni Isko ang Liwasang Bonifacio, ang mga bangketa, nagpa-ilaw sa Lungsod ng Maynila, ginawang world-class ang Manila Zoo para pasyalan ng karaniwang mamamayan kahit may pandemya?
“Sa lahat ng kumakandidato, sino ang may tunay na solusyon at mabilis umaksyon, maganda ang plataporma sa panahon natin ngayon? Sa lahat ng kandidato, sino ang may pinakamagandang programa, plataporma, mabilis kumilos?” tanong ni Sen. Recto.
At ano ang sagot ng mga Batangueno: “Si President Isko lamang!”
***
Hindi lang ang mahimalang ginawa ni Yorme ang hinahangaan sa kanya, hindi lang si Sen. Recto, kungdi ng milyon-milyong pamilyang Pilipino.
Hindi lang tunay na lider sa panahon ng krisis si Yorme Isko, sabi ng apo ng dakilang abogado at makabayang Sen. Claro Mayo Recto.
Isang modelo, inspirasyon ng kabataan ang dating basurero ng Maynila – na dapat na tularan ng nais maging tunay na lingkod-bayan.
Tunay na galing sa hirap si Isko, masunurin, nakinig sa mga magulang, nag-aral ng mabuti, naging konsehal, vice mayor at ngayon ay mayor ng kapital ng Pilipinas sa lungsod ng Maynila.
“Hindi ba’t magandang halimbawa si Yorme Isko sa ating mga anak?” tanong ni Recto at ang narinig kong sagot ng mga Batangueno sa rally ng Aksyon Demokratiko sa Lipa City: “Idolo natin … Isko, Isko, Isko, Pangulong Isko!”
Kung pwede na ang isang basurero, maging mayor, na posible sa awa ng Diyos, ngayong eleksiyon, posible ngang si Yorme Isko ang itinakda na maging Pangulo natin sa Mayo!
Sa huli, ito ang pakiusap niya sa mamamayang Batangueno: “Tulungan natin si Isko … Kausapin natin ang ating mga kaibigan, kabarkada, kapitbahay, ikampanya natin sa loob ng 45 days si Isko Moreno para maging pangulo ng ating bansa.
“Ang may tunay na solusyon, mabilis umaksyon. Si Mayor Isko Moreno Domagoso.”
Sa huli, sabi ni Recto, “Sa awa ng Diyos, maipapanalo natin si Yorme Isko, hindi lang sa Batangas, maipapanalo natin siya sa buong Pilipinas!”
Naniniwala ako, may awa ang Diyos!
(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).