Banner Before Header

Yorme Isko, VM Honey, iba pa, kinasuhan ng korapsyon!

Divisoria vendors nagreklamo na sa Ombudsman

0 633
PORMAL nang naghain ng reklamong korapsyon sa tanggapan ng Ombudsman ang mga vendors sa Divisoria Public Marketm (Divisoria Mall) dahil sa kontrobersyal na pagbebenta ng administrasyon ni Manila City mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Ma. Shielah ‘Honey’ Lacuna ng makasaysayang palengke noong 2020.

Bukod kay Moreno at Lacuna, isinama rin sa paglabag sa ilang probisyon ng Section 3 (Corrupt Practices of Public Officers) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sina city council majority leader, Joel Chua at Ernesto Isip Jr.; Bernardito ‘Bernie’ Ang, secretary to the mayor; at, Manuel ‘Letlet’ Zarcal, assistant secretary to the mayor.

Bukod sa pagiging kalihim ni Moreno, si Ang din ang chairman ng Manila Asset Appraisal and Disposition Committee na nag-aral at nagpanukala kay Moreno at Lacuna sa pagbebenta ng Divisoria Public Market.

Sa 7-pahinang ‘joint affidavit’ na tinanggap ng OMB nitong Miyerkules, Abril 27, 2022, ipinunto ng mga kasapi at opisyales ng Divisoria Public Market Credit Cooperative na nagsabawatan umano ang mga akusado na ibenta ang Divisoria Mall na walang nangyaring konsultasyon sa kanila.

Batay anila sa kanilang umiiral na kontrata, may bisa pa hanggang 2046 ang umiiral nilang kontrata sa Divisoria Mall.

Ilan sa mga dokumento na isinumite ng mga vendors ay ang Resolution 171, series of 2020 at Resolution 180 series of 2020 at ang Absolute Deed of Sale pabor naman sa Festina Holdings, ang idineklarang nanalo sa bidding na ginanap noong Agosto 2020.

Ang kopya ng reklamong korapsyon laban kay Manila mayor Isko Moreno, Vice Mayor Honey Lacuna at iba pang opisyla ng Maynila, matapos tanggapin ng Ombudsman.

Batay sa dalawang resolusyon, binigyang kapangyarihan si Moreno ng Konseho ng Maynila, na pinamumunuan ni Lacuna, na pumasok sa sino mang interesadong grupo upang maibenta ang “patrimonial property” ng Maynila na ang tinutukoy ay ang Divisoria Public Market nang walang kinakailangan na ‘pre-qualification requirement.’ Anila, ito ay isang paglabag sa batas.

Ipinunto rin sa reklamo na sa bisa naman ng Resolution 06-2020 (Committee on Awards and Disposal) na pinamumunuan ni Ang, walang inilatag na ‘pre-qualification conditions’ at ginawang pag-aaral ang kanyang komite hinggil sa mga interesadong bidders katulad ng Festina Holdings.

Sa isa pang resolusyon, Resolution 259, series of 2020, na inakda ni Chua, pinayagan ang Festina Holdings na gibain ang buong Divisoria Mall at tayuan ito ng isang 50-palapag na gusali.

“Thus, the City of Manila lost not only the actual value of the standing Divisoria Mall projected to the remaining term of the lease agreement (2046), but losing more so, the priceless heritage for which ‘Divisoria’ is known for, a public market,” ayon pa sa reklamo.

“That, Respondents City Mayor Domagoso, et al., by resorting to drastic measures purportedly to alleviate the coffers of the City during the outbreak of the pandemic, had acted brashly, unlawfully, oppressively, causing undue injury to the complainant public market vendors , to the government, and to the public who patronize Divisoria Public Market and recognize the site as ‘cultural heritage’ by giving Festina Holdings unwarranted benefits, advantage or preference in so discharging their official administrative functions through manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence,” dagdag pa ng reklamo.

Nalaman lang ng publiko ang ginawang pagbebenta ng ‘Team Isko-Lacuna’ sa makasaysayang palengke noong isang taon, nang magsimulang makatanggap ng ‘eviction order’ ang mga vendors mula sa bagong may-ari nito.

Nabenta lang ang Divisoria Public Market sa halagang higit P1.44 bilyon.

Leave A Reply