Banner Before Header

P149-M halaga ng shabu, natimbog ng BoC-NAIA

0 125
DALAWANG dayuhan na naman ang nagtangkang magpasok sa bansa ng iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit na P149 milyon, ayon sa Bureau of Customs (BoC).

Ang mga suspek ay isang babaeng South African at isang Norwegian na nahulihan ng shabung nagkakahalaga ng P92 milyon at P56.7 milyon, ayon sa pagkakasunod.

Ayon sa BoC, dumating sa Ninoy Aquino International Airport, mula Johannesburg, South Africa ang mga droga  sakay ng flight EK 334 noong gabi ng Biyernes.

Nagkakahalaga ng P92 milyon, ang mga droga ay nakatago sa false compartment ng luggage ng suspek.

Sa isang field test na isinagawa ng mga tauhan ng  Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) ay napatunayang shabu nga ang laman ng shipment.

Ang Norwegian naman ay nahulihan ng illegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit na P56.7 million.

Ang South African at Norwegian, kasama ang nakumpiskang shabu, ay nai-turnover sa Philippine Drug Enforcement Agency “for institution of inquest proceedings.”

Si BoC Commissioner Yogi Filemon Ruiz ay nagsilbing regional director ng PDEA, ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB), sa Visayas bago siya napunta sa BoC central office sa Manila.

Nang italaga siya ni Pang. Bongbong bilang custos chief noong Hulyo, mahigpit niyang utos na huwag payagang makapasok sa bansa ang kahit ano mang kontrabando, partikular na ang iligal na droga.

Ang pagkakahuli sa dalawang dayuhang drug personalities ay resulta ng pagtutulungan  ng BoC-NAIA, PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group .

Ang BoC-NAIA ay pinamumunuan ni District Collector Carmelita “Mimel” S. Manahan-Talusan, anak ni dating Customs  Depcom Julie Singson-Manahan ng Ilocos Sur.

***

Determinado sina Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na i-deliver ang lahat ng abandonadong “balikbayan boxes” sa mga recipient bago ang December 25.

Ang “balikbayan boxes” na ito ay matagal ng nakatengga sa Aduana dahil inabandona na nga ng mga dapat mag-deliver sa mga recipient dahil umano hindi naman sila binayaran ng mga shipper.

Ayon sa BoC, “all packages shipped by Island Kabayan Express Cargo LLC and Win Balikbayan Cargo LLC (ALL Win) would be delivered within one to four weeks, depending on the location of the recipient.”

The delivery would take one week for the National Capital Region (NCR), one to two weeks for Luzon, and two to four weeks for the Visayas and Mindanao.

Bilang tulong sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas, nag-boluntaryo na ang BoC na i-deliver ang packages ng walang bayad.

Ang gagawin lang ng recipient ng “balikbayan box” ay magpakita ng valid government-issued identification (ID) card, kagaya ng driver’s license, postal ID o SSS/GSIS card.

At mabuti rin na nag-uusap na ang mga taga-BoC, Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang regulatory agencies para matigil na ang gawain ng “dubious freight forwarders.”

Ang gusto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay mapangalagaan ang kapakanan ng ating  mga overseas Filipino worker (OFW).

Huwag natin kalimutan na malaking tulong sa ating ekonomiya ang pagtatrabaho ng ating mga kababayan sa labas ng bansa, kasama na ang mga kasambahay.

Kaya marapat lang na siguruhin ng gobyerno ang “safety and welfare” ng mga OFW.

***

Perhuwisyo talaga ang dulot ng mga mapaminsalang natural disasters na kagaya ng bagyo, baha, landslide at lindol.

Wala naman tayong magagawa kundi gumawa ng mga paraan para ma-mitigate natin ang impact ng mga kalamidad na lalo yatang nagiging destructive.

Ayon sa mga eksperto, nagiging destructive ang mga bagyo dahil sa lumulubhang “climate change.”

Ang masakit nito ay isa ang Pilipinas, na napapalibutan ng tubig at kasama sa mga bansang “adversely affected by climate change.”

Kagaya na lang nitong “Tropical Storm Paeng.”

Maraming sinalantang bayan at siyudad hindi lang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao, na kung saan marami ang namatay.

Dapat hindi na maulit ang trahedyang ito dahil hindi pa tayo nakababangon sa ating pagkakalugmok bunga ng mahigit dalawang taong COVID-19 pandemic.

Sana maging leksyon sa ating lahat ang delubyong ito. Pag-aralan natin kung bakit maraming namatay sa Maguindanao.

Kumilos agad tayo dahil may inaasahan pang lima o anim na bagyong  tatama sa Pilipinas bago matapos ang taong ito.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #09178624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Leave A Reply