Banner Before Header

May ‘red tape’ ba sa ARTA?

0 172

NOONG May 28, 2018, sa termino ni PDU30, inamyendahan ng ika-17 Kongreso ang RA 9485 o ang ‘Anti-Red Tape Law’ of 2007 sa ilalim ng RA 11032 na naging kilala ngayon bilang ‘Ease of Doing Business Law.’

Inamyendahan ng Kongreso ang RA 9485 dahil sa higit isang dekada nito bilang batas, napatunayan na isa lang itong ‘tigreng papel’ na hindi kaya pabilisin ang mga transaksyon sa gobyerno at naging inutil din sa paglaban sa katiwalian.

Naitalaga noon bilang director general ng ARTA (Anti-Red Tape Authority) si Jeremiah Belgica, nakababatang kapatid ni Greo Belgica na naging commissioner at chairman naman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Maraming pagkakataon na nakakausap natin ang magkapatid at ‘impress’ naman tayo sa sipag nilang dalawa sa kani-kanilang trabaho.

Aber, sa sobrang “sipag” pa nga ni Jeremiah bilang ‘DG’ ng ARTA, noon lang Setyembre 2022, “nag-alburuto” pa nga itong si Ombudsman Samuel Martires sa harap ng media at nanawagan pa sa Kongreso na “lusawin” na lang itong ARTA dahil nasasapawan, ehek, ‘duplication’ lang umano ito sa trabaho ng OMB.

Translation? Tila mas marami pa ang naniniwala na mas mabilis at epektibo ang aksyon ng ARTA sa mga reklamo, sa ilalim ni Jeremiah Belgica, kumpara sa mga reklamo nila sa OMB, ganun kaya yun, hehehe!

Noong Nobyembre 2022, pormal na itinalaga ni PBBM si DTI Usec. Ernesto Perez bilang director general ng ARTA. Bago ito, si Perez na rin ang ‘OIC’ ng ARTA matapos palitan si Belgica sa huling buwan ng administrasyong Duterte at bilang OIC nito nang itayo ito noong 2018 sa bisa ng RA 11032.

Sa madaling salita, hindi na “bagito” sa posisyon si Perez dahil ‘he was there at the day of creation’ wika nga, yeheyy!

Kaya naman, marami ang nagtatanong kung “ano” na raw kaya ang nangyari sa isang “reklamo” na natanggap ng ARTA patungkol sa mga kaganapan d’yan sa Light Rail Transport Authority (LRTA) sa ilalim ni Administrator Hernano Cabrera.

Kung hindi nakarating kay DG Perez ang reklamo sa ‘management’ ni Cabrera sa LRTA dahil sa ‘red tape’ sa loob ng ARTA (hehehe), nais nating ipaalala sa kanya na may kinalaman ito sa mga ‘procurement’ at ‘bidding’ d’yan sa LRTA.

Ayon sa mga miron, “may katagalan” nang naisampa ang reklamo sa ARTA pero hanggang ngayon (daw), wala pang ginagawang aksyon si Perez, ganern?

Naniniwala naman tayong kikilos si Perez nang agaran sa reklamong ito at sa iba pang reklamo na natatanggap ng kanyang opisina.

Naniniwala tayo dahil naniniwala tayong gusto rin niyang lumikha ng sariling “marka” bilang isang matinong lingkod-bayan.

Sabi pa nga niya nang maitalaga siyang ARTA OIC ni PDU30 noong Hunyo 2022, ‘providential’ o “itinadhana” ng Langit ang kanyang bagong posisyon!

Kung totoo nga eh, ‘di, abangan na lang natin!

At siyempre, ‘always welcome’ sa atin ang ano mang reaksyon ni DG Perez at Admin Cabrera!

Leave A Reply