KATULAD ng ibang Filipino, naniniwala tayo na ang Bureau of Customs (BOC) at mga importador ay “partners in nation-building.”
Sa totoo lang, kung walang importasyon ng mga negosyante ay walang papatawan ng buwis at taripa ang mga taga-BOC.
Dapat magtulungan at hindi magbangayan ang dalawang grupo na ito na parehong may ginagampanang mahalagang papel sa ating bansa at ekonomiya.
Kaya tama lang ang taunang pagpaparangal ng BOC sa mga ‘top taxpayers.’
Kamakailan nga ay ginanap ng BOC-Post Clearance Audit Group (PCAG) sa pangunguna ni Assistant Commissioner at BOC spokesman, Atty. Vincent Philip ‘Jett’ Maronilla, ang taunang “Stakeholders Engagement and Awarding Ceremony.”
Dito pinaparangalan ng BOC-PCAG ang mga top taxpayers ng taon.
Ang 2023 top taxpayers ng BOC ay ang JT International (Philippines), Inc., Anda Power Corporation, Merck Sharp & Dophme (IA) LLC, Royal Canin Philippines, Inc., Nestle Philippines, Inc., Mondselez Philippines, Inc., GNPower Dinginin Ltd. Co. at, CSC Time, Inc.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Asscom. Maronilla na ang mga kompanyang ito ay pinarangalan “for their exemplary commitment to paying duties and taxes to the government.”
Ipinarating din ni Maronilla ang commitment ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na lalong papaigtingin ang ugnayan ng BOC at importers.
Sabi ni Maronilla: “We are all part of one Customs family; stakeholders and the government should work hand in hand.”
Sa kanyang opening remarks, inisa-isa ni Melvin Joseph L. Banzon, hepe ng Audit Division 2, ang mga mahahalagang gampanin ng PCAG.
Ayon sa kanya, PCAG “ensures the BOC’s efficiency as a revenue-generating agency” ng Department of Finance (DOF). Sumunod sa BIR, ang BOC ang ‘second-largest revenue earner’ ng gobyerno.
Ang awarding ceremony, na dinaluhan ng iba pang BOC officials at stakeholders, ay ginanap sa conference room ng Office of the Commissioner (OCOM).
Tama si Commissioner Rubio na dapat magtulungan ang BOC at importers.
“We will work with, we will hear you out, and we will adapt to meet your needs,” dagdag pa niya.
***
Magandang balita para sa estudyante, guro at magulang.
Aprubado na ng Department of Education (DepEd) ang suspension ng face-to-face (F2F) classes sa mga lugar na sobra ang init ng panahon.
May mga lokalidad kasi sa ibat-ibang parte ng bansa na napakatindi ng init dahil sa umiiral na El Nino weather phenomenon.
Isa pa, alam ng mga otoridad na talagang panahon na ng tag-init sa Pilipinas.
Kapag sobra ang init ng panahon, kawawa ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan dahil marami sa mga silid-aralan dito ay wala man lang electric fan, kumpara sa mga private schools na mayroon pang air-condition.
***
Panahon na para mahuli lahat ang mga mapagsamantalang negosyante sa buong bansa.
Dahil sa kanila ay nagkakaroon ng overpricing sa maraming lugar ng tinatawag na ‘essential goods,’ lalo na ang pagkain.
Kung minsan ay itinatago ng mga mapagsamantalang negosyante ang ibang produkto para lang tumaas ang presyo ng mga ito.
Ang hoarding at overpricing ay ginagawa kung may kalamidad o national emergency.
Dahil sa kakulangan ng manpower ay nahihirapan ang gobyerno na patigilin ang profiteering at hoarding, lalo na sa kanayunan.
Kaya dapat taumbayan na ang tumulong sa gobyerno para protektahan ang interes ng consumers.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang inyong pangalan at tirahan).
Comments are closed.