PATULOY ang pagsakote ng mga iligal na droga, partikular na ang shabu, sa iba’t ibang parte ng bansa na walang dumadanak na dugo.
Ang ibig sabihin nito ay tagumpay ang pinaigting na “bloodless anti-drug war” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R.Marcos Jr.
Hindi kailangang may mamatay na adik at tulak para matigil na ang “drug menace” na nagpapahirap sa tao at bayan,
Sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) naman ay isang parcel na naglalaman ng 32 kilograms ng shabu ang nasakote ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.
Ang shabu na nagkakahalaga ng P218.484 million at galing ng Zimbabwe ay nakita sa Paircargo Warehouse sa Pasay City.
Ang shipment ay idineklarang naglalalaman ng “machinery mufflers.”
Nang inpeksiyunin, nakatago sa loob ng mga muffler ang 32 kilong shabu.
“The shipment underwent rigorous profiling by the Customs Intelligence and Invesitation Service (CIIS) and x-ray screening and K-9 sniffing,” ayon sa BOC.
Pagkatapos ng physical examination ay dito na tumambad ang mga shabu na nakatago sa mga machinery mufflers.
Inaresto ng mga otoridad ang consignee ng shipment at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa CMTA at Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ang pagkakasakote ng shabu ay sa tulong ng Philippine Durg Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.
Sinabi naman ni NAIA District Collector Yasmin O. Mapa na patuloy ang ginagawang sa mga parating na shipment.
Ito ay bilang pagsunod sa utos nina Pangulong Bongbong Marcos at Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.
Sa totoo lang, pag-upo pa lang ni Pangulong Marcos noong 2022 ay iniutos na niyang paigtingin pa ang kampanya laban sa ismaggling.
Lalo na ang ismagling ng illegal drugs at agricultural products.
***
Pati gagamba ay gustong ipasok na iligal ng mga ismagler sa bansa.
Ang mga buhay na “spiderlings” na nakalagay sa isang shipment ay idineklarang naglalaman ng “origami products.”
Ito ay naka-consigned sa isang address sa Binan, Laguna, ayon sa Bureau of Customs (BOC).
Ang shipment ay nadiskubre sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa NAIA.
Nang idaan sa x-ray ang pakete ay nakitaan ito ng “suspicious images.” Kaya idinaan sa physical examination at nakita nga ang mga gagamba.
Patunay lang ito na hindi nagpapabaya ang mga taga-BOC sa kanilang trabaho.
***
Ngayon pa lang ay abala na ang mga political party sa pagpili ng kani-kanilang kandidato sa darating na 2025 national and local elections.
Kamakailan nga ay inanunsyo na ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na isa sa senatorial candidates nila ay si movie actor Philip Salvador.
Kasama pa sa tiket sina Senators Bato dela Rosa, Lawrence Bong Go at Tol Tolentino.
Nag-desisyon din ang partido, na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, na huwag ng gamitin ang pangalang Lakas ng Bayan (Laban).
Sa ngayon ay PDP na lang ang pangalan ng kanilang partido politikal.
Ito ay pagkatapos na maraming miyembro ang umalis na sa dating powerful political party.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Comments are closed.