HANGGANG ngayon ang dami pa ring ilegalista/kontrabandista sa Bureau of Customs (BoC) kahit na sangkaterba na ang mga anti-smuggling task force na naging “ask force” ang itinatag at binuwag, bakeeet?
Dahil ang karamihan umano sa task force na itinatag ay naging Bantay-Salakay na, totoo po ba ito, Comm. Bienvenido Rubio?
Naturingang tagabantay, pero ngayon ay mga Bantay-Salakay to the max na — na ang dating isinisigaw laban sa mga ismagler: “Your days are numbered!”
Bilang na ang inyong mga araw, pero sa pagdaraan ng mga araw, parang HIV virus ang krimeng smuggling ay napahihinto pero sa kalaunan ay nagbabalik na mas malakas pa kaysa dati.
Parang kamandag ng ahas na may pangontra pero nawawalan ng bisa ito kapag ang Task Force na ginawang tagabantay ay mga naging mapagsamantala.
Bigo nga ba sina Comm. Rubio, Deputy Commissioners Juvymax Uy at Teddy Raval na ituwid ang mga balikong daan na naging pilipit nang daan sa paglipas ng maraming taon?
Isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno ang Aduana, at hindi pa rin ito nagbabago sa paningin ng publiko.
Ilan pang Senate and Congress investigations ang kailangan upang mahubaran ng mga maskara ang mga utak ng ismagling at mga kakutsaba nito?
Gawing halimbawa ang huling mga kaso ng agri products na nasakote dati pa sa Port of Subic at iba pang pantalan.
Anyare na sa mga kaso? Naparusahan ba ang importer, broker at mga kasabwat sa BoC?
Nada, at ang pinakamatinding tsismis sa apat ng sulok ng BoC ay nagtawanan lamang ang mga ismagler, sanabagan!
Tiyak sa pagbabalik nila, mas malaki ang kanilang nanakawin sa gobyerno.
***
May nagbiro pa na bakit ang pormula na gawing bantay-tanod ang isang maton ay nagtatagumpay, bakit hindi ito gawin din sa BoC?
Parang may ‘sense,’ pero sa mga barangay uubra ito dahil lantad ang pagkakakilala sa mga barakong maton.
Pero sa Aduana, ‘wag gawin ito dahil baka sa susunod na halalan, magkaroon tayo ng unang pangulong ismagler, joke!
(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o.magmensahe lang sa bampurisima@yahoo com).
Comments are closed.