CPP-NPA leader sa NL nahuli sa Ilocos Norte
NADAKIP na ang mataas na lider ng Communist Party of the Philippines sa Ilocos-Cordillera Region.
Oktubre 21, 2024 nang arestuhin ng pinagsamang puwersa ng 5th Infantry Division sa ilalim ng Northern Luzon Command (NOLCOM), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) si Simon Fiaryao Naogsan Sr. o kilala bilang alyas ‘Filiw’ o ‘Wayat,’ sa Bacarra, Ilocos Norte.
Nahaharap ito sa kasong murder at attempted murder na isinampa sa Regional Trial Courts ng Ifugao at Mountain Province.
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng whole-of-nation approach ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Pagtitiyak ng NOLCOM, ipagpapatuloy nila ang mga kaukulang hakbang para mapawi ang natitirang miyembro ng communist terrorist group at masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad (Phil. Information Agency—Cordillera).
Comments are closed.