Banner Before Header

PAOCC spox, nanampal, suspindido

2,532
PANSAMANTALANG suspendido sa kanyang trabaho si Winston Casio, tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Commission (PAOCC), matapos lumabas ang ‘video’ kung saan sinampal nito ang isang empleyado ng POGO sa ginawang raid ng task force sa isang iligal na POGO sa Bataan.

Sa utos ni PAOCC executive director, Undersecretary Gilbert Cruz, sibak sa trabaho si Casio hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon laban sa kanya.

Depensa ni Casio, “nabastusan” siya sa naging asal ng nasabing empleyado sa kasagsagan ng pagsalakay ng PAOCC sa POGO hub sa Bagac, Bataan.

Sinalakay ng PAOCC ang ‘Central One Bataan’ noong Oktubre 31, matapos makumpirma na sangkot ito sa ‘human trafficking’ ‘scamming’ at iba pang krimen.

Itinago ng kumpanya ang iligal nitong trabaho sa pagposturang isa itong ‘BPO’ (business process outsourcing), ayon sa PAOCC.

57 dayuhan at 358 manggagawang Pinoy ang naaktuhan ng PAOCC sa nasabing operasyon.

Comments are closed.