Banner Before Header

Wala nang bagyo bakit baha pa rin?

7,311
HALOS isang buwan na ngayon matapos manalasa ang ‘Bagyong Kristine’  mula Oktubre 21 hanggang Oktubre 25, at “kahit paano,” ‘naka-move-on na ang mga nabiktima, dahil na rin sa mabilis na aksyon ng mga ‘government agencies’ at mga may malasakit na mga LGUs sa kanilang mga nasasakupan.

Subalit, para sa mahigit 50,000 residente ng Bgy. Malaban at Bgy. Dela Paz sa Binan City, Laguna, patuloy ang kanilang “kalbaryo” dahil hanggang ngayon, lampas-bewang pa rin ang taas ng baha sa kanilang lugar!

Ayon sa mga miron, sapul nang magsagawa ng kuwestyunableng ‘15-hectares reclamation’ si Mayor Arman Dimaguila dakong 2019, palagi nang mataas ang tubig-baha sa nasabing mga lugar.

Oops! Lumalabas na ‘questionable’ ang reclamation dahil sa dokumento, wala itong permiso ng Laguna Lake Development authority (LLDA) at DENR! Ano yan, LLDA GM Senando Santiago, ‘2-years in the making,’ hindi mo alam?! Talaga lang hah, hehehe!

Kung dati nang problema ng mga residente ang pagbaha dahil nasa “gilid” sila ng ‘Laguna De Bay,’ “humuhupa” naman daw ito agad pagkaraan ng 2-3 araw—perwisyo pa rin at panganib sa kalusugan, sa ganang atin, at hindi dapat nangyayari sa mga residente ng isang lungsod na may badyet na higit P3 bilyon kada taon.

Pero ngayon, PBBM, maniniwala ka ba na ‘ka-level’ pa rin ng lawa ang kanilang barangay? “Bakit naman,” tanong mo ba, Mr. President?’

Dangan kasi, kung kaya may reklamasyon na ginawa si Mayor Arman na umano’y ginasutsan ng higit P3 bilyon, ay para “solusyunan” ang pagbaha sa Malaban at Dela Paz, eh, “palpak,” Mayor Arman, hane?

Baka naman kasi ‘for private use only’ kaya ‘’out” ang mga residente sa pakinabang sa reklamasyon?

Saan din kaya nanggaling ang P3 bilyon? Bulong kasi ng mga miron, hindi rin ito aprubado ng Biñan City Council kaya hindi naglaan ng pondo—pero natapos ang proyekto. Aba, “mahusay” ka, Mayor Arman!
‘Among the poorest of the poor’ ang mga residente sa Malaban at Dela Paz mga kabayan. Nabubuhay lang sila sa pagtatanim ng mga gulay sa matabang lupa sa baybayin ng lawa at pangunguha ng mga kangkong na paninda nila sa palengke.

Problema nila ngayon, wala na ngang awat sa pagbaha, wala na rin silang mapagkitaan! Aber, 15-ektarya ba naman ang tambakan ng lupa kasama ang kanilang mga taniman at kangkungan, paano na sila, hindi ba, PCUP Usec. Lope Santos?

At isinulat natin ito Usec. Lope, para naman marinig ang “boses” ng mga residente ng Malaban at Dela Paz.

Take note: higit 50,000-katao ang apektado at patuloy na “pinahihirapan” ng proyektong ito, DILG Secretary Jonvic Remulla, DSWD Secretary Rex Gatchalian at DENR Secretary Toni Yulo Loyzaga.

Limang residente na rin ang namatay sa ‘dengue’ bunga ng kanilang sitwasyon.

Sana naman mapansin na sila ng gobyerno dahil kung aasa pa sila kay Mayor Arman eh, isa lang (daw) ang sagot na inaasahan nila: “Asa pa ba kayo?!

Comments are closed.