Banner Before Header

14 biktima ng human trafficking nasagip

2
MATAGUMPAY na nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI), sa tulong ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang 14-katao na biktima ng ‘human trafficking’ sa Zamboanga na balak dalhin ng kanilang mga ‘illegal recruiters’ sa Malaysia gamit ang mga pekeng dokumento.

Sa ulat ng tanggapan ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, batay sa impormasyon mula kay Zamboanga Assistant City Prosecutor Alfredo Jime, pinangakuan ang mga hindi kinilalang biktima ng tranbaho na malaking suweldo sa Malaysia.

Nadakip naman ng mga otoridad ang dalawang suspek kung saan ang isa sa kanila ay may dati nang rekord ng human trafficking.

Ang insidenteng ito ay isa lamang sa mga kaso ng trafficking na may kinalaman sa paggamit ng ruta sa gawing timog ng Pilipinas o ‘Southern backdoor.’

Paalala naman kay DOJ Undersecretary Nicholas Felix L. Ty hindi dapat maniwla sa mga ipinapangakong “too good to be true” na trabaho ng mga illegal recruiters at human traffickers na karamihan ay mababasa sa social media,

“Kadalasan hindi sila nakakalusot sa [legal exits], kaya doon sila dumadaan sa mga tinatawag nating “southern backdoor exits.”

Doon pa lang, dapat alam ninyo (aplikante) na ‘alanganin’ (delikado) ‘yon,” anang opisyal.

Paalala rin ng DOJ, manatiling mapagmatyag ang publiko at agad na iulat sa 1343 Actionline ng departamento ang ano mang kahina-hinalang aktibidad na may kinalaman sa human trafficking.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasagip na biktima.

Sa kaugnay na balita, 3-menor de edad ang nailigtas at dalawang suspek ang naaresto ng mga otoridad sa Iligan City dahil sa kasong ‘online sexual trafficking of minors.’

Ayon pa sa DOJ, kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 11930 patungkol sa ‘Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children’ (OSAEC) at ‘Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials’ (CSAEM) Act.

Inilunsad ang operasyon sa bisa ng search warrant na inilabas ni Executive Judge Hon. Ali Ombra R. Bacaraman.

Comments are closed.