‘Anti-Terror Law’ pirmado na!

ISA nang ganap na batas ang panukalang ‘Anti-Terrorism Bill of 2020’ matapos itong pirmahan ni Pang. Duterte noong Biyernes, Hulyo 3, 2020.

Ang paglagda ng Pangulo ay kasunod ng ulat ng Pinoy Exposé noong isang linggo na mas maraming Pilipino ang sumusuporta sa panukala kumpara sa mga tumututol dito.

Sa pahayag ng suporta noong Sabado, Hulyo 4, 2020, tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary, Eduardo M. Año, na hindi niya papayagan na maabuso ang bagong batas (RA 11479).

Aniya pa, titiyakin ng DILG, na may kontrol sa pambansang pulisya (Philippine National Police), na gagamitin lamang ang batas upang tuldukan na ang inihahasik na terorismo ng komunistang New People’s Army (NPA) at iba pang mga teroristang grupo, partikular sa Mindanao.

“Inuulit ko na tanging mga terorista ang dapat matakot sa batas na ito at walang dapat ikabahala ang ating mga mamamayan na sumusunod sa batas.“

Sa panayam din kay National Security adviser at dating AFP chief, Hermogenes Esperon, sinabi nitong kahit ang mga kabataang aktibista ay walang dapat ikabahala sa bagong batas dahil hindi naman ito para sa kanila.

Ipinaalala rin ni Esperon sa publiko ang mga madudugong insidente na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga teroristang grupo, katulad ng nangyari sa Marawi City noong 2017 sa insidente ng pagmasaker ng mga NPA sa may 39 sibilyan sa Bgy. Rano, Digos City, Davao del Sur noong 1989.

Pinangunahan naman ni Sen. Panfilo Lacson, may akda ng batas, ang Senado sa pagkilala at pagpapasalamat sa Pangulo sa ipinakita niyang paninindigan na lagdaan ang batas sa kabila ng maingay na pagtutol ng ilang grupo.

Much credit goes to PRRD. With all the pressure coming from different directions against the signing of the Anti-Terrorism Bill into law, at the end of the day, it is his strong political will that mattered most,” ani Lacson noong Sabado.

“I cannot imagine this measure being signed under another administration. If only for this, I take my hat off to the President,” dagdag pa ng mambabatas.

Comments (0)
Add Comment