Mayor Inday, BBM, nakaungos sa presidential survey

Walang talo kapag “nagsanib-puwersa!”
NAKATITIYAK na “walang-talo” ang tambalang ‘Marcos/Duterte’ o ‘Duterte/Marcos’ matapos muling dominahin ni Davao City Mayor Sara Duterte at dating senador, Ferdinand ‘Bongbong/BBM’ Marcos, ang resulta ng ‘Pulse Asia survey’ hinggil sa susunod na pangulo ng bansa.

Sa inilabas na resulta ng Pulse Asia para sa survey na isinagawa nito mula Setyembre 6 hanggang Setyembre 11, 2021, 20 porsiyento mula sa 1,200 ‘respondents’ ang nagsabing si ‘Mayora Inday’ ang kanilang ibobotong susunod na pangulo.

Pumangalawa naman si BBM na nakakuha ng 15 porsiyento, bagaman tulad ni Duterte, hindi pa rin ito nagdedeklara kung tatakbong pangulo.

Sa pagkukumpara ng dalawang survey ng Pulse Asia noong Hunyo at Setyembre, malinaw na ang nawalang 8 porsiyento ni Duterte sa survey noong Hunyo ay hindi napunta kay Moreno at bagkus ay napunta kina Marcos at Pacquiao.

Nasa ikatlong posisyon naman si Manila mayor, Francisco ‘Isko Moreno/Mayor Kois’ Domagoso na may 13 porsiyento na sinundan naman ni Sen. Emmanuel ‘Manny/Pacman’ Pacquiao na may 12 porsiyento.

Nasa buntot naman ng survey sina Sen. Grace Poe (9 porsiyento), Vice Pres. Lenie Robredo (8 porsiyento at Sen. Ping Lacson (6 porsiyento), sa kabila ng kanyang pormal na deklarasyon noong pang Agosto 4, 2021, na tatakbo siyang presidente, ka-tandem si Senate Pres. Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Kumpara sa Pulse Asia survey mula Hunyo 7 hanggang Hunyo 16, 2021, malinaw na “dumausdos” na si Moreno sa posisyon at nalampasan na ni BBM.

Sa nasabing survey, nanguna pa rin si Mayora Inday sa 28 porsiyento, kasunod si Moreno sa 14 porsiyento, BBM sa 13 porsiyento, Poe sa 10 porsiyento at Pacquiao sa 8 porsiyento.

Sa pagkukumpara ng dalawang survey ng Pulse Asia noong Hunyo at Setyembre, malinaw na ang nawalang 8 porsiyento ni Duterte sa survey noong Hunyo ay hindi napunta kay Moreno at bagkus ay napunta kina Marcos at Pacquiao.

Malinaw din na kung “magsasanib-puwersa” sina Marcos at Duterte, nakatitiyak na sila ng panalo sa halalan sa kabuuang 35 porsiyento, batay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey.

Ito ay kahit pa magsanib-puwersa rin sina Moreno at Pacquiao na kukuha lang ng 25 porsiyento.

Comments (0)
Add Comment