‘Palace Group’ target ang Clark Connector Road?

Proyekto nagkakahalaga ng P2.2 bilyon
“MALAKING HALAGA” na umano ang “nagpasa-pasa” sa mga kamay ng isang malaking grupo sa Malakanyang at sinasabing “maimpluwensiya” sa administrasyong Duterte, para makopo ang ‘4-lane connector road project’ sa Clark City, Pampanga na may pondong P2.2 bilyon.

Anang mga impormante, pilit na iginigiit ng grupo na sa mga hawak nilang ‘bidders’ mapunta ang 8.8 kilometrong proyekto na aabot sa Clark Industrial Park.

Nakalap ng ulat na ito na ang mga kompanyang bidders sa proyekto na bina-back-up ng maipluwensiyang grupo ay kilala lamang bilang EML, LUCKY STAR at SONA.

Itinago umano sa pamamaraan ng “joint venture” (JV) ang mga kompanya para pumasa sa mga ‘requirements’ na inilatag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na siyang pangunahing ahensiyang nagplano at nais maisagawa ang proyekto para sa ikauunlad ng Clark.

Ang bidding naman ay pangangasiwaan din ng Department of Budget and Management (DBM) kasama ang BCDA para sa maayos na pag-aaward ng proyekto.

Sa obserbasyon naman ng mga pamilya sa proyekto, “taliwas” taliwas ang ginagawa ng grupo sa direktiba ni Pang. Duterte sa lahat ng kanyang mga opisyales na “labanan” ang korapsiyon sa gobyerno.

Anila pa, buwan pa lang Nobyembre noong nakaraang taon, bago pa man ang pormal na anunsiyo sa proyekto, “kumilos na agad ang nasabing grupo upang maisali ang kanilang mga pinapaburang kompanya sa bidding.

Ang BCDA na nilikha ng Republic Act No. 7227 at naamiyendahan ng Republic Act 7917 ay may mandato na palitan sa kapaki-pakinabang na paraan ang mga dating base militar sa bansa upang mapagkunan din ng pagkakakitaan para sa pamahalaan.

Kabilang dito ang Clark Airbase at mga kampo militar sa Metro Manila na sa ngayon ay tinatawag ng Bonifacio Global.

Maaaring ipagbili ng BCDA ang mga pag-aaring ito ng gobyerno o palitan ng paggagamitan na makapagbibigay di lamang ng kita para sa pamahalaan kung di makapagdulot din ng kaunlaran at maging produktibo sa lugar kung saan ito matatagpuan.

Pangamba naman ng mga impormante, nanganganib ang mga proyekto para mapaunlad ang mga pasilidad na ito, kung sa korapsyon lamang mapupunta ang magandang mga plano ng BCDA sa mga pag-aaring ito ng gobyerno.

Patuloy pang kumakalap ng detalye ang ulat na ito upang tuluyang mahubaran ang mga nasa likod ng bilyones na maniobra upang makopo ng mga nasabing bidder ang nasabing proyekto.

at magkamal ng malaking halaga ng salapi para sa kanilang mga sariling kapakinabangan.

Comments (0)
Add Comment