SASAGUTIN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang libreng bakuna laban sa Covid-19 para sa mga kasapi ng media na nagko-cover sa ano mang tanggapan at ahensiya ng pamahalaan na nakabase sa lungsod.
Ito ang naging kasunduan ng National Press Club of the Philippines (NPC) at ng tanggapan ni Manila mayor, Francisco ‘Isko’ Moreno, sa pamamagitan ng kanyang chief of staff na si Cesar Chaves sa kanilang pulong kamakailan.
Gagawin ang pagbabakuna sa gusali ng NPC. Sa larawan ay makikita sina (mula kaliwa) NPC director/House Committee chair, Joey Venancio, Cesar Chaves, NPC Pres. Paul Gutierrez at NPC House Committee Vice-chair, Bambi Purisima.