NAKATAKDANG bumalik sa ’10 pm to 5 am curfew’ ang Lungsod ng Maynila matapos aprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang nasabing panukala ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.
Simula noong Marso nang simulan ang ‘NCR-wide lockdown,’ itinakda ang ‘curfew’ sa kapitolyo ng bansa simula ‘8pm hanggang 4am.’
Ayon kay Cesar Chavez, chief of staff ni Mayor Isko, ang panukala ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makauwi nang maayos sa kani-kanilang bahay, katulad ng mga ‘restaurant workers.’
Sa pagsisimula ng ‘GCQ’ sa Maynila ngayong buwan, may mga restaurants na ang nagbukas at bagaman maaga silang nagsasara, hindi rin naman agarang nakauuwi ang mga trabahador ng mga ito dahil kailangan pa nilang maglinis ng kani-kanilang mga establisyamento.