Lumagda sa isang kasunduan ang mga opisyales ng Anak Kalusugan Partylist, Workers and Peasants Party/Labor Party of the Philippines (LPP), Angat Ahon Magsasaka/Crime and Corruption Watch International (CCWI), bilang pagpapatunay ng kanilang kahandaan na magtulungan upang matiyak ang panalo ng Anak Kalusugan sa halalan ngayong Mayo 9, 2022, sa ginanap na seremonya sa National Press Club (NPC) noong Marso 3, 2022.
Kasama sa mga lumagda sina (mula sa dulong kanan): dating presidential adviser, Rey Roquejo, First Nominee, Anak Kalusugan; LPP president at vice presidential candidate, Manny SD Lopez; LPP Vice President at senatorial candidate, Shariff Ibrahim Albani; at, AAM/CCWI president, Carlo Batalla. Sumaksi naman sina Atty. Ray Florence Reyes (Anak Kalusugan) at, Andres ‘Jayvee’ Visaya, Jr.