DALAWAMPU at tatlong katao ang namatay sa bansang Norway matapos maturukan ng bakuna na gawa ng ‘Pfizer/BioNTech,’ ayon sa ulat ng ‘Bloomberg’ noong Enero 15, 2021.
‘Norwegian officials said 23 people had died in the country a short time after receiving their first dose of the vaccine.
“Of those deaths, 13 have been autopsied, with the results suggesting that common side effects may have contributed to severe reactions in frail, elderly people, according to the Norwegian Medicines Agency,” ayon pa sa ulat ng Bloomberg.
Batay sa resulta ng awtopsiya, nagbabala ang mga awtoridad sa Norway na hindi “nababagay” sa mga may edad (80 anyos pataas) at may dati nang karamdaman ang nasabing bakuna na ginamitan ng modernong teknolohiya (messenger RNA, mRNA) upang labanan ang COVID-19 virus.
Sa patuloy namang ‘monitoring’ ng mga ‘health experts’ sa epekto ng ‘mRNA vaccine’ ng Pfizer sa mga naturukan sa Estados Unidos at Europa, iniulat na nagkaroon naman ng 21 kaso ng ‘severe allergic reaction’ (SAR) sa mga pasyente sa Amerika, habang isang may edad na pasyente ang namatay din sa France matapos maturukan ng Pfizer vaccine; apat na iba pa ang tinamaan din ng SAR.
Sa pag-aaral pa ‘Center for Disease Control’ (CDC) sa Amerika, lumalabas na may 11.1 insidente ng SAR sa bakuna ng Pfizer sa bawat isang milyong dosis nito.
Ang bakuna ng Pfizer ang unang bakuna na binigyan ng awtorisasyon sa Europa at Estados Unidos noong isang taon kung saan may 35 milyon na ang naiturok.
Sa ulat pa rin ng Bloomberg, nakikpagtulungan na ngayon ang Pfizer sa Norway upang imbestigahan ang insidente ng malawakang pagkamatay sa nasabing bansa.
Mistula pang minaliit ng Pfizer ang nakagigimbal na ulat mula sa Norway, matapos umanong sabihin na ang nasabing bilang ay hindi nakababahala at umaayon sa kanilang inaasahan.
“Pfizer and BioNTech are working with the Norwegian regulator to investigate the deaths in Norway, Pfizer said in an e-mailed statement.
“The agency found that ‘the number of incidents so far is not alarming, and in line with expectations,’ Pfizer said,” anang ulat.
Inaasahan namang magkakaroon pa ng mas maraming ulat hinggil sa pagiging ligtas at epektibo ng bakuna ng Pfizer sa pagtatapos ng buwang kasalukuyan matapos atasan ang kumpanya ng mga awtoridad na regular na magsumite ng resulta sa mga naturukan ng bakuna nito.