AABOT sa 400 manggagawa na ‘stranded’ ngayon sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia, ang nananawagan sa pamahalaan na matulungan silang makauwi na sa bansa.
Sa panayam Martes ng hapon, Hunyo 16, 2020, ni veteran broadcaster, Deo Macalma, sa kanyang programa sa DZRH, “pinabayaan” umano ang mga manggagawa ng kani-kanilang mga ’employer’ at wala rin umanong nakukuhang tulong mula sa Philippine Embassy.
Bilang reaksyon, sinabi naman ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa nasabing programa, na agaran niyang aalamin ang katotohanan sa sinasabi ng mga ito at agaran ding gagawa ng hakbang ang DOLE upang matulungan silang makabalik na sa bansa.
Ayon pa kay Bello, ang “problema” sa ngayon ay naka-lockdown ang KSA bunga naman ng ‘COVID-19’ pandemic.’