Mga “pasaway” bawal lumabas, hulihin—PDU30

INATASAN ni Pang. Duterte ang mga barangay chairman sa buong bansa na gamitin ang kanilang kapangyarihan sa kanilang mga lugar upang pigilan ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19 na lumabas ng kanilang mga bahay at kung talagang, pasaway, ay arestuhin dahil sa paglabag sa minimum health safety protocol (MHSP) at pagkakalat ng sakit.

Sa kanyang regular na pakikipag-usap sa taumbayan noong Enero 6, 2022,

“I’m now giving order to the barangay captains to look for those persons who are not vaccinated and just request them — or order them if you may — to stay put.

“And if [they] refuse… then the barangay captain, being a person in authority, is empowered now to arrest the recalcitrant persons,” pahayag pa ng Pangulo.

Ginawa ni Pang. Duterte ang utos na tumulong na ang mga barangay upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19, matapos sumirit paitaas ang bilang ng mga biktima sa pagsisimula ng taong 2022.

Batay sa datos ng pamahalaan, mula sa 27,787 bilang ng mga nagkasakit noong Setyembre 8, 2021, sumadsad ang bilang sa 159 nagkasakit noong Disyembre 26, 2021.

Muli namang sumipa paitaas ang bilang dahil na rin sa pagdating sa bansa ng bagong ‘Omicron variant’ mula sa Europa at Africa.

Sa kanyang public announcement noong Enero 6, agarang umabot sa 21,747 ang mga bagong kaso bago ito tumaas pa sa 26,211 sumunod na araw; sa pagpasok ng 2022, naitala sa 16,211 kada araw ang nagkasakit sa loob ng isang linggo.

Ayon pa sa Pangulo, “masaya” niyang aakuin ang responsibilidad pabor sa mga barangay chairman na sumusunod sa kanyang utos.

“Meron naman na akong kaso sa ICC (International Criminal Court), eh, ‘di, ipatong na ninyo para isang sagutan na lang pagdating ng panahon.”

“Being the President, ultimately, I am responsible for the safety and well-being of every Filipino, and that is why my orders are to restrain them (mga pasaway),” dagdag pa ng Pangulo.

Kaugnay nito, hinikayat din ni Senate Committee on Health chairman, Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, ang publiko na patuloy na sumunod sa MHSP at huwag gawing “sugal” ang buhay at kalusugan ng kanilang kapwa ngayong nasa bansa na ang Omicron variant na mas mabilis makahawa.

“Hinihimok ko ang ating mga kababayan na sumunod sa mga health at quarantine protocols upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng Omicron variant ng COVID-19.

“Ang public health ay responsibilidad nating lahat at hindi lamang ng gobyerno, kaya gawin natin ang ating parte upang tuluyan na nating malampasan ang pandemya,” anang mambabatas.

“Huwag muna tayong makumpiyansa dahil delikado pa rin ang panahon ngayon.

“Sayang ‘yung naumpisahan natin — ang magandang takbo ng ating COVID-19 response at vaccine rollout — kung magiging kampante muli tayo,” dagdag pa ni Go.

“Sa gobyerno, siguruhin natin na nasusunod ang ating health at quarantine protocols. Huwag nating hayaan na may iilang taong may pribilehiyo na lumabag sa mga ito,” Go said.

Comments (0)
Add Comment