Hindi nagpapabaya ang BOC-NAIA, Port of Clark

"Kung walang sapat na public utility vehicles (PUVs) na pumapasada ay hindi aarangkada ang ating ekonomiya."

Sinasamantala ng mga ismagler ang pagkakaroon ng Covid-19 pandemic para magpasok ng mga kontrabando sa bansa.
Akala nila maiisahan nila ang mga taga-Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang akala nila ay makakalusot sila sa mga tauhan ni BoC-NAIA District Collector Mimel Manahan-Talusan.
Kapag hindi magkakatugma ang mga impormasyon na nakalagay sa mga import paper ay binubuksan ang mga shipment.
Dito na nabuko ang tunay na laman ng shipment.
Ganito nahuli ng mga tauhan ni NAIA district Coll. Mimel Talusan ang mga ‘ecstasy’ na nakatago sa isang paper shredder.
Ang ecstasy na galing United Kingdom ay nagkakahalaga ng P9milyon.
Natagpuan ang kontrabando sa isang warehouse sa Pasay City na sinalakay ng mga taga-BoC.
Ipinasa na ng BoC ang 5,205 tabletas ng ecstasy sa PDEA para sa kaukulang imbestigasyon.
Kakasuhan ngayon ng PDEA sa kasong paglabag sa CMTA at RA 9165 ang hindi pinangalanang consignee ng ecstasy.
***
Sa Port of Clark sa Pampanga, iba naman ang paraan ng isang ismagler ng American dollar.
Isiningit naman niya ang mga US dollar bill sa mga pahina ng pitong magazines.
Umaabot ng USD 54,215 ang isiningit na pera na galing sa Hong Kong.
Dumating sa Port of Clark noong Mayo 25 ang shipment na idineklarang naglalaman ng “Chinese cook book recipes.”
Naglabas na ng warrant of seizure and detention si Port of Clark District Collector Ruby Alameda.
Isang paglabag sa Republic Act No. 10863 o CMTA ang pagsingit ng US dollars sa mga pahina ng pitong magazines.
Siniguro ni Coll. Alameda na laging alerto ang kanyang mga tauhan para huwag makalusot ang mga kontrabando sa Port of Clark.
Noon ngang Hunyo 11 ay nag-turnover sila Alameda sa Philippine National Police ng mga forfeited at abandoned shipments.
Ang mga shipments ay naglalaman ng mga baril at accessories.
Ang pagsasalin ay dinaluhan ni Collector Alameda at mga opisyal ng PNP at Commission on Audit.
***
Kung walang sapat na public utility vehicles (PUVs) na pumapasada ay hindi aarangkada ang ating ekonomiya.
Kahit maraming bukas na negosyo ay lalangawin lang ang mga ito.
Bakit ika niyo?
Wala kasing kostumer.
Walang masakyan ang mga mamimili dahil iilan lang naman ang may mga sasakyan, lalo na sa nga probinsiya.
Sobrang maningil ang mga tricycle na puwede lang magsakay ng isang pasahero.
Kaya nga sa mga online seller na lang bumibili ang maraming tao.
Kahit mas mahal ang nabibili sa mga negosyanteng ito ay mas matipid bumili sa kanila dahil sa taas ng pamasahe na sinisingil ng mga drayber ng tricycle.
Ito ang dapat i-address ng Inter-Agency Task Force.
Marami talagang mapagsamantalang kababayan natin.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Comments (0)
Add Comment