BOC, pinuri ng World Bank

TALAGA namang nakatutuwa ang balitang pati na ang World Bank (WB) ay napansin na ang “significant improvement ng Pilipinas “in trade facilitation and customs processes.”

Ang magandang balita ay nakapaloob sa latest WB Logistics Performance Index (LPI) na inilabas kamakailan, ayon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bievenido Y. Rubio Jr.

“The WB LPI measures a country’s ability to trade goods across the borders, with speed and reliability,” ayon sa isang press statement mula sa customs bureau.

Base sa BOC press statement, “the Philippines moved up 17 places from 60th in 2018 to 43rd spot this year out of 139 countries” na kasama sa survey na isinagawa ng WB.

Ni-rate ng WB and mga bansa base sa customs performance, infrastructure, international shipment logistics, competence/equity, at tracking/tracing metrics.

Sa isang survey, ay kinonsulta ng WB ang mga logistics professionals para malaman “how easy or difficult it is to trade manufactured goods with various countries.”

Ang survey ay isinagawa mula Setyembre 6 hanggang Nobyembre 5 noong nakaraang taon.

Sinabi ni Commissioner Rubio, na isang taga Batac City, Ilocos Norte, na ang magandang balita ay nagpapatunay na epektibo ang trade facilitation program ng ahensya.

“The latest results of the WB LPI proved that the BOC is on the right track as regards trade efficiency. We shall continue these trade facilitation efforts,” dagdag ni Rubio.

Patuloy na nagsasagawa ng study ang ahensya para malaman kung epektibo nga ang mga border procedures relating to good imports, exports and transit movements.

Ang pag-aaral na ito ay nakakatulong sa BOC para i-identify at i-address ng ahensya ang kanilang digitalization program para mapaganda ang serbisyo sa snake-infested na Aduana.

Alam naman ng lahat na ang gusto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay mapaganda at mapabilis ang custom processes para lumaki pa ang revenue collection ng BOC.

Marami ang nagsasabing ang full computerization ng customs processes ay malaki ang maitutulong para mawala o mabawasan ang korapsyon sa aduana.

“We will continue to automate our systems and processes, computerize our work, and modernize our facilities and procedures,” sabi pa ng Ilocanong BOC chief.

Siyempre, ginagawa ito nina Commissioner Rubio sa patnubay ni Pangulong Marcos na pursigidong mapabuti ang kalagayan ng taumbayan.

Kung tataas ang koleksyon ng BOC ay makakatulong ito para pondohan ang mga malalaking proyekto at programa ng administrasyong Marcos na magtatapos sa 2028.

Huwag natin kalimutan na marami sa mga priority programs ni Pangulong Bongbong Marcos ay naglalayong paangatin ang quality of life ng mga kababayan natin.

Lalo na ang mga mahihirap, kabilang na ang mga magsasaka, mangingisda at iba pang marginalized Filipinos.

Hindi ba, Senator Imee R. Marcos?

****

Lilipad na ngayong araw, Mayo 1, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R.  Marcos Jr. para sa kanyang limang na araw na official visit sa Estados Unidos.

Marami ang umaasa na magiging mabunga ang pag-uusap nina Pangulong Marcos at United States President Joe Biden.

Ang pagbisita ni Presidente Marcos sa US ay kasunod ng matagumpay na dalawang linggong 2023 Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas at Amerika.

Ang katatapos na military exercise ay sinalihan ng 12,200 US soldiers at 5,400 sundalo ng Pilipinas at gumamit ng maraming eroplano at barko ang dalawang bansa.

Mula sa US ay tutungo sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at iba pang miyembro ng Philippine delegation sa United Kingdom (UK) sa Mayo 5.

Sa London ay dadaluhan ni Presidente Marcos ang koronasyon ni King Charles III sa Mayo 6.

Balik Pilipinas sina Marcos sa Mayo 7 bago magtungo sa Labuan, Bajo sa Indonesia sa May 9 para naman dumalo sa 42nd Association of Southeast Asian Nations Summit (May 10-11).

Sa mga araw na wala si Pangulong Marcos sa bansa ay si Vice President Sara Z. Duterte, na umaakto ding kalihim ng Department of Education, ang uupong caretaker president.

Noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung siya ay nasa labas ng bansa, ay hindi si dating Vice President Leni Robredo ang umuupong officer-in-charge.

Iba ang deni-designate ni Digong na OIC.

Tama si dating Pangulong Joseph Estrada na “weather, weather” lang naman sa Pilipinas.  (Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #09178724485 o email: tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Comments (0)
Add Comment