Aksiyong Erwin Tulfo, maaasahan!

TAMA ka, Bureau of Customs (BoC) Commissioner Bienvenido Rubio na talagang pagkawalanghiya ng mga tusong negosyanteng minamanipula ang presyo ng bigas sa pagtatago ng imported rice.

Mantakin nyo na binabaan na ang taripa, nag-mi-misdeclared pa kaya halos konti na lang ang binabayarang buwis, ang mga lintik na hoarder na ito ay walang konsiyensiya kaya ang hangad ni Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na may mabibiling mas murang igas, sinasabotahe pa ng mga …. ay, ayaw ko nang magmura.

Kaya, saludo kami sa pagsalakay ng tropang Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS)-Manila International Container Port (MICP) agents na nakakumpiska ng P400 milyong halaga ng bigas sa tatlong bodega sa Tundo, Maynila, na sabi ni Comm. Rubio ay inimporta mula sa Thailand, Vietnam at Myanmar na umabot sa P90.2 milyon ang itinagong 36,086 sako ng bigas.

Kasuhan nyo ng economic sabotage ang mga lintik na hoarders na yan, Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy at CIIS Director Verne Enciso dahil talagang perwisyo sa ekonomya at buhay ng mahihirap na Pinoy ang ginagawa ng mga hindoropot na negosyanteng yan.

Dapat burahin ang mga pangalan nila sa listahan ng legit importers, tama po ba, Depcom Atty. Vener Baquiran, Depcom Uy at Director Enciso at siyempre ang ating paghanga sa magagaling na intel agents at ang Philippine Coast Guard (PCG) agents na dahil sa kanilang sipag at katapatan sa trabaho, nadale nyo ang mga hoarders na yan.

Maraming salamat, siyempre kay Commissioner Rubio na laging alerto at mabilis kumilos laban sa ma ismaglers at hoarders sa pagppatupad sa kanyang visitorial and inspection authority para mainspeksiyon ang mga bodega na suspek sa pag-iimbak at pagtatago ng bigas at mga merchandise na kailangan ng taumbayan.

Para sa inyo, salute, mga bosing!

***

Kung ang batayan ay ang pulso ng bayan at resulta ng maraming survey, magiging senador si Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) party list Congressman Erwin Tulfo kapag siya ay magbalak tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Opo, sa  tinanong na 1500 respondents sa survey ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI, Aug 13-19, 2023), No. 2 choice si Partner Utol Erwin, na sinundan siya ni Sen. Imee Maros (No.  3).

No. 1 choice naman, at hindi ito kataka-taka, si dating Presidente Rodrigo Roa Duterte – na  mas gusto yata na maging private citizen na lang kaysa bumalik sa politika.

Pero kung maisip na tumakbo ni Digong Duterte  sa 2025 elections, panigurado na mananalo siya.

Matatandaan, sa magkakasunod na survey ng Oculum Research and Analytics (July, 2023); Social Weather Station (SWS) at Tangere (April 2023), top choice or No.1 si Cong. Erwin na ibobotong senador sa 2025.

At itong latest PAPI survey, No. 2 or pasok sa Magic 12 na senatorial winner si Partner Erwin!

Pag tinatanong naman natin si Cong. Erwin, ang sinasabi lang niya, kailangan munang maisulong niya ang kanyang priority bills tungkol sa solo parents, PWDs, at mga batas tungkol sa medical care, dagdag ayuda sa maraming mahihirap na pamilyang Pinoy.

Siyempre, nagpapataba ng puso, sabi niya sa atin, ang mataas na trust rating na nakukuha nila sa nakaraang survey, kaya lalo siyang inspirado.

Eh, sino nga naman ang hindi gaganahang magtrabaho kung ang lahat ng survey, kung hindi top choice or No. 1 si Utol Erwin, siya naman ay No. 2, kaya kung maiisipan niya na tumakbo sa Senado sa 2025 midterm elections,  tiyak sila ng utol niyang si Sen. Raffy Tulfo ang magiging magkatandem sa paggawa ng matitinong batas, at uusig naman sa mga tiwali sa gobyerno.

Iba talaga ang hatak sa masang Pinoy ang matunog na pangalang “Tulfo.”

Sa Magic 12, okay sa alright rin sa atin sa 3rd spot ang ate ni PBBM, si Sen. Imee Marcos na very strong ang dating at maganda ang naipakitang performance, at nasa No. 4 naman si TVJ host, dating Senate Pres.  Tito Sotto.

Sa PAPI survey (salamat po, PAPI Pres. Nelson Santos), No. 5 si Dr. Willie Ong, at kasunod ang mga reeleksiyonistang sina Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Ronald ‘Bato’ Dela Rosa; si dating Manila Mayor Francisco ‘Yorme Isko’ Domagoso, dating Sen. Mar Roxas.

Ang matalino at magaling na  SAGIP Partylist Rep. Rodante D. Marcoleta ay nasa Top. 10, kasunod si Defense Secretary Gilbert ‘Gibo” Teodoro  at si dating tagapagsalita ni Digong, si Atty. Harry Roque.

Siyempre, hindi na nagulat ang maraming member ng PAPI sa nakuhang top rating ni former Pres. Duterte, kasi kahit private citizen na ito ay sabik pa rin ang madlang pipol sa kanya.

Eto ang rating nila: Duterte, 75 percent; Tulfo, 59 %, Marcos, 56%;  Ong,44%; Bong Go, 43%; Dela Rosa,39% ; Yorme Isko, 37%;  Roxas, 35%;  Marcoleta, 33%; Gibo, 31%; at Roque, 29% para sa magic 12.

Malaking naiambag sa laging pagiging top ni Partner Erwin ay ang magandang rekord niya noong very active pa siya bilang newspaper columnist, crusading broadcaster at ang napakagandang nagawa niya noong siya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary.

Pinuri siya sa kanyang ginawa sa pagdi-distribute ng ayuda sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at pag may kalamidad o anomang emergency, mabilis kumilos ang DSWD sa mga lalawigan at rehiyon – na katuwang ang lokalidad, PNP, Army, at maraming national agency.

Nagawa ni Utol Erwin na makuha ang todong suporta ng LGUs at ng pambansang gobyerno upang mapakilos nang mabilis sa panahon ng matindi at dagliang saklolo at pagliligtas ng buhay at ari-arian.

Masasabing blessing in disguise ang pag-by-passed sa kanya ng Commission on Appointments  (CA), kasi nakita ng madlang pipol ang kanyang husay bilang pro-people congressman ng ACT-CIS partylist.

Kung nawala man siya sa aktibong partisipasyon bilang DSWD secretary, ito ay agad naman nasuklian ng kanyang mga pangarap at naisin na tumulong sa pamamagitan ng pagpapanukala ng mga batas, at tuntunin na ang sentro ng interes ay maitawid sa hirap ang milyon-milyon mahihirap na pamilyang Filipino.

Tanging masasabi natin, mapa-gobyerno man, o mapa-pribadong buhay, aksyong Erwin Tulfo po ay atin laging maaasahan.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com).

Comments (0)
Add Comment