Ang mahalagang papel ng BoC 

KAMAKAILAN, ginanap ang 3-araw na customs forum sa Seoul, South Korea para isulong ang global partnership on trade facilitation and security of global community.

Ang forum ay dinaluhan ng 19 customs heads, kasama na si Customs Commissioner Bievenido Y. Rubio, Deputy Commissioner Vener Baquiran at Director Clarence Dizon ng Pilipinas.

Ito ang first-ever global customs forum na hosted ng Korea Customs Service. Ang tema ng nasabing pagtitipon ay “Global Customs Cooperation and Digital Customs.”

Sa isang pahayag, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na ang forum “provided an avenue for the sharing of best practices and fostered international customs collaboration.”

“Experts and the participants exchanged views and insights on topics, including e-commerce, disruptive technologies and customs information exchange,” ayon sa BOC.

Sa isang joint statement pagkatapos ng tatlong araw na forum ay sinabi ng mga dumalo na na lalo pa nilang itataas ang level ng communication para mapaganda ang kanilang ugnayan.

Ang anim na goals ng forum ay aligned sa tinatawag na Five-Point Priority Program ng BOC-Philippines, ayon kay Commissioner Rubio.

Ang priority program naman ni BOC Chief Rubio “is in line with the Philippine Development Plan” ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng BOC para mapabilis ang socio-economic development ng Pilipinas pagkatapos ng dalawang taong COVID-19 pandemic.

Kailangang lumaki ang revenue collection ng ahensya para may magamit na pang-finance sa mga proyekto ng gobyerno sa susunod na limang taong na panunungkulan ni Marcos.

Hindi ba, Finance Secretary Benjamin Diokno?

***

Isang lorry truck at trailer na may lamang 40 kiloliters of unmarked diesel ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Limay (POL) noong Mayo 21.

Ang lorry truck at trailer ay kinumpiska ng mga operatiba ng Enforcement and Security Service (ESS) sa Seafront Shipyard and Port Terminal Services sa Brgy Lucanin, Mariveles, Bataan.

Ayon sa report, ang mga unmarked diesel ay isasakay sana sa dalawang sasakyang pandagat na nire-repair sa nasabing shipyard. Ito ang Meridian Cinco at MV Seaborne Cargo 7.

Ang unmarked 40 kiloliters na diesel ay galing umano sa Cabatuan, Isabela.

Ang mga taga-Societe Generale de Surveillance (SGS) ay kumuha ng samples at idinaan sa fuel marking testing para malaman kung meron itong fuel marker.

Sinabi sa report na “the test yielded an initial result of 0% presence of fuel marker.” Ang findings ng SGS ay kinumpirma rin ng isinagawang “confirmatory test.”

Dahil dito ay nag-isyu kaagad si Port of Limay District Collector Alexandra Y. Lumontad ng warrant of seizure and detention (WSD) laban sa lorry truck, trailer at diesel.

Ang Port of Limay, under the guidance of Customs Commissioner Bievenido Y. Rubio, ay “committed to strenghten its anti-smuggling and border control operations.”

Ito ay naglalayong masiguro na lahat ng produktong petrolyo ay ipinagbabayad ng buwis.

***

Malaki ang role na ginagampanan ng PAGASA para tayo makapaghanda bago pa man dumating ang isang bagyo sa ating bansa.

Kaya nga dapat bigyan ng Senado at House of Representatives ng sapat na pondo ang Weather Bureau para makabili ito ag mga makabagong kagamitan at instrumento.

Kagaya ng nangyayari ngayon. Alam ng mga weather forecaster kung saan at kung saan maaring dumaan ang super Typhoon Betty na may international name na “Mawar.”

Handang-handa ang mga kinaukulan. Lahat ng mga kailangan – rubber boats, pagkain, gamot at iba pang search, rescue at retrieval materials, ay nandiyan na.

Walang dahilan para tayo mag-panic kahit na super typhoon ang “Betty.” Ang kailangan lang ay maging alerto tayo kasi nandiyan naman ang mga tutulong sa atin.

Sana nga lang ay bantayan din ang mga walang pusong negosyante. Ito yong mga hoarder at profiteer.

Huwag natin silang pabayaang magsamantala kapag nandiyan na ang bagyo.

Hirap na nga ang taumbayan dahil sa kawalan ng trabaho eh nandiyan pa ang mga tusong negosyante. Isumbong sa mga otoridad ang mga aktibidad ng mga hoarder at profiteer.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Comments (0)
Add Comment