‘Bigtime players’ sa BoC, hindi kayang tinagin!

Kahit yata anong pagsusumikap ang gawin ng ilang matitinong opisyal ng Bureau of Customs para mapatino ang ang nasabing ahensiya ay patuloy pa rin ang pandaraya ng “bigtime players” na kagaya nila Michael Y., Eric Y., David T., Anthony, Beverly, Kimberly at ang sikat na ‘House of Thebes.’

Kung hindi pa rin alam ni Comm. Jagger Guerrero kahit dalawang taon na siya sa puwesto, ang mga binanggit sa itaas ang siya ngayong “representante ng ‘Davao Group’ sa Aduana.

Karamihan nang ipinapasa nilang kargamento ay mabababa ang binabayaran dahil ang mga ito ay undervalued at misclassified.

Nakakaawa na nga ang maliliit na broker dahil sila ang inaagawan ng kargamento ng mga ganid na “bigtime players, ” na “protektado” ng ilang opisyal ng BoC—na siyempre naman ay “nagmamano” sa Davao Group kaya sila nasa posisyon lahat ngayon.

Ang matindi pa nito, kaladkad ng mga ito ang pangalan ng isang sikat na mambabatas, tsk!

Kadalasan nga raw, kapag hindi mo makita sa Aduana ang ilang opisyal, akala ng kanilang mga kasama ay dumadalo sa pagdinig sa Kamara o Senado.

Iyon pala, pinatatawag daw ni Mr. Mababatas para ayusin ang kargamento ng mga pinagpalang “bigtime players.”

Ang ipinapamalita pa ng mga “bigtime players,” hindi sila kayang tinagin dahil 10k daw bawat lata si Mr. Mambabatas.

Isipin mo na lang na sa 2,000 container kada linggo, tumataginting na P20 milyon agad ‘yan. ‘Ansarap ng buhay, hindi ba, kasamang William Depasupil?

Totoo naman kaya ito o sadyang  kinakaladakad lang nila ang pangalan nang sikat na mambabatas?

Nakakaaawa naman  si Mr. Mambabatas, maeeskandalo na naman dahil sa kagagguhan ng mga ismagler dyan sa Aduana.

Mas maigi siguro na ipabusisi nina Comm. Jagger, IG Depcom Ranier Ramiro at Asscomm. Jett Maronilla, kung totoo ang mga alingasngas na ito d’yan sa bakuran ng BoC.

Mainam din kung “sisilipin” ni Comm. Jagger ang sumusunod na mga ‘consumption entry’ na masyadong mababa ang pinagbayaran:

Port of Manila, Flat rolled steel coil, ACFTA, P50K,1025647 1025658 1025659  1025769 1025648 1025661 1025664;

General Merchandise (GM), ACFTA, P140K, 1027565 1027566 1027567 1027573  1027576 1027577;

GM, P135K to P145K, 1027592 1027594 1027454; Footwear, ACFTA, P90K, 1027547; Sanitary Wares, ACFTA, P80K, 1027595; Cyclone wire, ACFTA, P50K, 1029677;

MICP, General Merchandise (GM), ACFTA, P120K 1074881 1074884 1074935 1074956

Yarn, P135K, 1074899; Foodstuff,  P180K, 1074954;

GM, No ACFTA, P120K, 1075109 1075096  1075118 1075123 1075136 1075142; GM, P110K, 1077099 1077202; 1075592 1074474 1074458;

1074444 1074404 1074396 1074443 1075965 1076030 1076049; Goldenhomes Foods Corp, GM, ACFTA, P110K;

GM, ACFTA, P100K, 1081922 1082143  1081951  1081435 1081908 1082330 1081888;

1081492  1081909  1081447  1081427  1081769  1080817;

Kitchenware, P110K, 1075956;  GM, P110K, 1075965 1076049 1076098 1076108 1076041;

Toys, P80K, 1076056;  Fabrics, ACFTA, 1076062 1076058 1076062;

Linoleum, P80K, 1076064; Cookware, ACFTA, P70K, 1076055;

Ride on bike, ACFTA, P75K, 1081581;

1081419  1081387 1082104  1082166 1081381 1081376  1081832  1081756  1082416  1082494  1081812  1081936  1082357  1082328  1082394 1082330 1080842  1081779  1081813

***

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kargamentong ipinasa ng mga nabanggit na “bigtime players.” Sa susunod na isyu natin ilalabas ang iba pa.

Mababa ang mga pinagbayaran dahil ang mga ordinaryong broker ay sinisingil nila ng P120K pataas sa bawat 20 footer cntr. van at P160K pataas naman para sa 40 footer cntr. van.

Heto pa, ina-alert o hinohold ng ilang opisyal ang kargamento ng maliliit na broker para mapilitang lumipat sa “bigtime players ang kanilang mga kliyente.

Masyadong garapal ang ginagawa nila, lalo na dyan sa bagong tatag na IU (investigation unit) na kapag wala kang hatag ay maya’t maya ang hold o alert ng kargamento.

Kahit nga ilang beses nang nag-negative sa kanilang ‘100-percent examination’ ang ilang consignee, sadyang “peperwisyuhin tulad ng ‘hold’ o ‘alert.’ Kung hindi kasi nila makokotongan, titiyakin naman nila na palagi nilang mapeperwisyo sa gastos at abala.

Kung sa bagay, “patigasan” lang yan, hehehe.

Gusto tuloy natin maniwala sa “tsismis” na marami na ang ‘nag-enroll’ d’yan sa IU. Harinawang hindi naman tototo. Sana nga!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).
Comments (0)
Add Comment