Bintang na walang batayan

‘YANG ilang “Marites’ sa loob at labas ng Bureau of Customs (BoC) ay naghahasik na kamandag at malisyosong bintang – na wala namang batayan at ang intensiyon ay makapanira lamang.

Aba, noong isang linggo, nagkalat ng mapanirang kathang-isip ang mga tsismoso at tsismosa sa Aduana laban kina Deputy Commissioner Atty. Vener Baquiran at DepCom Atty. Teddy Raval – na kapwa magagaling na opisyal at ‘outstanding’ ang performance.

Hawak ni Atty. Raval ang Enforcement Group (EG), at si Atty. Baquiran naman ay nakatutok sa aktwal na koleksyon ng buwis sa BoC, ang Revenue Collection and Monitoring Group (RCMG).

Ayon sa makamandag na dila ng ilang ‘Marites’, itong sina Atty. Baquiran at Atty. Raval – na kapwa career executives – ay isinasangkalan ang pangalan ng isang prestigious religious organization para gamiting ‘tulay’ sa kampo ni President-elect Bongbong Marcos.

Dagdag na sitsit ng mga ‘Marites’, atat raw na manatili sa puwesto ang dalawa at ang malisyoso, may ‘sabit’ daw sa ilang isyu ng anomalya sina DepCom Raval at DepCom Baquiran.

 

For your information, mga ‘Marites’, hindi kailangan ng dalawa ang padrino, tulad ng nasabi ko na, mga career executives sina Baquiran at Raval, at ang kanilang sterling achievements ay sapat na para manatili sila sa kanilang puwesto.

Kaya masasabi natin, sablay, paninira, at demolition job ang ginagawa ng makakati at makamandag na dila ng mga ‘Marites’ sa loob at labas ng Aduana.

In fact, imbes na paninira, these two outstanding career executives at mga abogado pa ay dapat na papurihan at bigyan ng kredito sa napakagandang trabaho nila sa BoC.

As ‘in-charge’ of customs collection, sa mahusay na paghawak ni Atty. Baquiran, naging napakaganda ng koleksyon simula Hunyo 2021 hanggang Mayo 2022.

Dahil sa magaling na trabaho sa Customs, umabot sa mahigit na P11 bilyon ang surplus collection sa Aduana nitong nakaraang Mayo 2022.

At noong 2021, lampas ng higit P29 bilyon ang sumobrang kumbransa ng BoC sa actual na collection target – na lahat ng ito ay nagawa ni Atty. Baquiran.

 

Hindi nagpaiwan si DepCom Raval sa magandang accomplishment niya: mantakin nyo, dear readers, mahigit sa P29 bilyon ang halaga ng nakumpiskang smuggled goods noong 2021.

Ang halagang ito – P29-bilyon – ay masasabing pinakamataas sa kasaysayan ng BoC na ginawa ng Customs Intel (CIIS) at ng ESS sa pasmumuno ni Atty. Raval.

Can anyone from the BOC beat that!

Dapat ay papuri, paghanga ang tanggapin nina DepComs Baquiran and Atty. Raval at hindi ang malisyong pagkakalat ng tsismis at paninira.

‘Yang inggit talaga ay walang mabuting magagawa.

***

At eto pa, dear readers: mahigit P166 bilyon ang kinita ng BoC dahil sa matino at corrupt-free na ‘fuel marking program’ (FMP) na pinamahalaan ni DepCom Raval noong isang taon.

Kaya malisyoso, sobrang paninira ang ikinalat na balita na may isyu ng ‘korapsiyon’ sina Baquiran at Raval?

Kung may anomalya sa koleksyon, bakit nakuha ng dalawa ang sobrang mataas na koleksiyon sa hawak nilang ahensiya sa Aduana?

Iisa lang ang sagot dito: Mahusay, matino at efficient sa trabaho sina Baquiran at Raval!

Puro kabulaanan ang ikinakalat ng mga ‘Marites’ at ang layunin ay wasakin ang malinis na pangalan ng dalawa – at hindi ito makatarungan para kina Atty. Baquiran at Raval.

Balita natin, mahigit sa 200 na kasong smuggling ang isinampa ng dalawang DepCom laban sa mga tiwali, kaya ang biruan nga, hindi magkandaugaga ang DOJ sa inuusig nilang ismagler at tiwali sa BoC!

Kilala si BoC Commissioner Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero na istrikto laban sa katiwalian, at kung may konting ‘singhot’ ng anomalya, di sana, matagal nang nailagay sa “kangkungan” ng kahihiyan sina Baquiran at Raval, ito ay kung may konti ngang totoo sa ikinakalat na malisyosong bintang ang ilang ‘Marites’ sa loob at labas ng Aduana.

Dahil malinis nga, walang katotohanan ang makamandag na paninira laban kina Baquiran at Raval, wala tayong naririnig o nababalitaan na anoman kilos mula sa opisina ni Comm. Guerrero.

Mga ‘Marites’, mabuti pang itigil na ninyo ang kabulastugang ito at baka isang araw, magulat na lang kayo at magkabistuhan sa kung sino ang ‘nagpapagalaw’ sa inyong tulirong ampaw na utak.

Ingat, … Mabuhay tayong lahat.

***

Mananatiling matatag at matibay ang mahahalagang testigo sa kasong drug trafficking laban kay Senador Leila de Lima, at wala isa sa kanila ang babaligtad o babawiin ang kanilang mga testimonya.

Ayon kay Diego Magpantay, pangulo ng Citizens Crime Watch (CCW), siya at si Atty.  Ferdinand Topacio ay matiyagang nakikipag-ugnayan sa pangkat ng tagausig na humahawak sa kaso laban kay De Lima na nabigong mahalal na muli bilang senador sa nakaraang eleksiyon nitong Mayo 9.

Ayon kay Topacio, sinabi sa kanya ng mga tagausig ng gobyerno na buo ang loob nina Herbert Colangco, Noel Martinez, Jose Pepino, Jesus Durano at iba pang testigo na hindi babaligtad sa kanilang naunang salaysay na laban kay De Lima.

Inihayag nina Colangco, Martinez, Pepino, Durano sa kanilang testimonya na personal nilang nakita na tumanggap ng milyong-milyong piso mula sa mga kilalang drug lord noong ito ay justice secretary.

Mahigit nang limang taon na nakapiit si De Lima sa Custodial Center ng PNP HQ sa Camp Crame, Quezon City.

Kaugnay nito, nanawagan si Magpantay kay Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin Remulla – na mauupong bagong Justice Secretary – na labanan ang lahat ng pagtatangka na mapawalang sala si De Lima.

Ani Magpantay, pinatunayan mismo ng Supreme Court ang katotohanan sa mga kasong isinampa laban kay De Lima.

Dagdag ni Magpantay, walang karapatan ang sinomang dayuhan na kuwestiyunin ang proseso at sistema ng hustisya sa Pilipinas.

(Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com).

 

 

Comments (0)
Add Comment